^

Punto Mo

Paano magiging malusog at matalino ang anak

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

ISANG kaibigan na first time magiging ina ang nagtanong sa akin kung paano magiging malusog at matalino ang anak. Ano raw ang mga ginawa ko noong buntis kay Gummy dahil napakalusog nito nang isilang. Heto ang 10 tips:

1. Huwag magpapalipas ng gutom. Kapag ginutom ang sarili, ginugutom din ang anak.

2. Never think about losing weight. Siyam na buwan lang naman ang hinihingi upang pakainin ng iba’t ibang pagkain ang nasa sinapupunan. After this, puwede ka nang mag-diet all you want pero kung nagbe-breastfeed ka, after 6 weeks pa maaaring mag-diet.

3. Kumain ng prutas at gulay. Dati hindi ako kumakain ng carrots at atay pero dahil kailangan ng aking anak, napilitan ako.

4. Huwag io-over cook ang mga pagkain para hindi mawala ang nutrients nito. Mag-steam ng gulay, isda at kung magpiprito naman ay huwag sobrang tostado.

5. Iwasan ang processed foods gaya ng hotdog at tocino. Tataas ang risk ng pagkakaroon ng spinal bifida ng anak.

6. Hindi pa kailangang magdagdag ng calorie intake sa unang tatlong buwan. At ang weight gain ay dapat magsisimula pa lamang ng second trimester. One pound a week dapat ang average­ gain mo.

7. Vitamin C. Ang vitamin C ay nagpapaputi ng balat. Tip ito ng aking dermatologist noong ako’y buntis. Kaya ngayon ang puti ni Gummy Bear. Makukuha ang Vitamin C sa suha, orange, mangga, papaya, pakwan, kamatis, broccoli, cauliflower at kamote.

8. Kumain ng dilaw at berdeng prutas at gulay gaya ng kalabasa, patatas, kangkong, mushrooms, sibuyas, okra, pipino, melon, mangga, papaya, suha, mansanas, sa­ging at avocado. Mayroong Vitamin A at C ang mga ito. Para malaman kung alin ang pinakamasustansiya sa mga prutas at gulay, tingnan kung gaano ka-dark ang pagi­ging dilaw at berde nito – the darker­, the more nutritious.

9. Kumain ng steak. Mayaman ito sa protina kaya magi­ging matalino ang magiging anak. Once a week akong kumakain ng steak noon.

10. Bukod sa nutrients na nasa pagkain, mahalaga pa ring mayroong pre-natal vitamin supplements kapag buntis. Tanungin ang inyong OB-Gyne hinggil dito.

ANO

BUKOD

DATI

GUMMY BEAR

HETO

HUWAG

KUMAIN

MAYROONG VITAMIN A

VITAMIN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with