^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy sa pag-import ng bigas

Pang-masa

WALANG gaanong sinabi si President Noynoy Aquino sa kanyang ika-5 SONA na may kinalaman sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng agrikultura. Sa halip, nakapokus siya patuloy na mag-iimport ng bigas ang bansa. Noong nakaraang Nobyembre 2013 ay nag-import ng 500,000 metriko tonelada ng bigas para ayuda sa numipis na supply dahil sa mga nagdaang bagyo. Noon daw nakaraang Pebrero taong kasalukuyan ay nag-angkat muli ang bansa ng karagdagang 800,000 metriko tonelada ng bigas bilang pampuno raw sa buffer stock requirement. At ngayong Hulyo, naaprubahan na rin daw ang importasyon ng 500,000 metriko tonelada ng bigas sa pamamagitan ng open bidding. Aangkat din ang NFA ng 500,000 metriko tonelada.

Wala na bang lalabas sa bibig kundi pawang pag-angkat ng bigas ang gagawin. Hindi ba maaaring sabihin na hindi na mag-aangkat ng bigas ang bansa sapagkat pinauunlad na ang mga lupang sakahan. Hindi na aasa sa bigas na galing Thailand at Vietnam sapagkat binibigyan ng suporta ang mga magsasaka para makapag-ani nang mahusay na palay. Hindi na bibili ng bigas sapagkat isinasaayos na ang pagpapagawa ng mga patubig para ganap na mapakinaba-ngan ang malawak na lupain.

Pero hindi ganito ang nangyari sapagkat ang pananaw ay para lamang bumili nang bumili at hindi magpaganda nang ani. Sayang ang malawak at mayamang lupain na hindi napapakinabangan sapagkat walang ayudang ibinibigay para matamnan. Hanggang ngayon, ang pangakong magpapagawa ng irigasyon para sa mga lupaing umaasa sa ulan ay wala pa ring pag-asang matutupad.

Ipokus sana ng gobyerno sa sektor ng agrikultura ang kanilang atensiyon sapagkat dito maraming malilikhang trabaho. Sana bago matapos ang termino ni P-Noy ay mapaunlad ang sector na ito para naman matigil na ang pag-import ng bigas.

AANGKAT

BIGAS

HANGGANG

HULYO

IPOKUS

NOBYEMBRE

NOONG

P-NOY

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with