Lalaki sa Turkey, nakabuo ng truck mula sa ni-recycle na basura
SI Ismail Mescioglu, 30, ng Turkey ay driver ng bus. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang magkaroon at makapagmaneho ng sariling truck ngunit dahil hindi naman siya mayaman, naisipan na lang niyang gumawa ng sariling truck.
Kahit wala siyang nalalaman sa pagiging mekaniko, hindi iyon nakapigil kay Ismail para hindi ituloy ang pangarap na makagawa ng truck.
Para makagawa ng truck, naghanap siya sa mga junkshop ng mga materyales na gagamitin sa pagbuo ng truck. Nakakita siya ng isang lumang motor at ilang piraso ng bakal na ginamit niya upang buuin ang pinaka-katawan ng truck.
Umabot ng ilang buwan bago nabuo ni Ismail ang kanyang 8-wheeler truck. Sa kabuuan, gumastos siya ng $2,800 (P120,000) sa kanyang truck. Napakalaki ng natipid ni Ismail sa paggawa ng sariling truck dahil karaniwang umaabot sa P2 milyon ang 8-wheeler truck.
Kaya bilib na bilib na ngayon kay Ismail ang mga dating nagtatawa sa plano niyang bumuo ng sariling truck mula sa mga ni-recycle na parte ng sasakyan.
- Latest