^

Punto Mo

Jueteng sa Taguig

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TULOY-TULOY ang jueteng operations nina Boy Orosco at Romy Peña sa Taguig, siyudad ni Mayor Lani Cayetano. Ang ibig sabihin mga kosa, wa epek kay Sr. Supt. Arthur Felix Asis, ang hepe ng pulisya ng Taguig, ang kautusan ni Mayor Lani at asawang Sen. Peter Cayetano na ipasara niya ang jueteng nina Orosco at Peña. Ang ugong kasi sa Southern Police District (SPD), ipinatawag ng Cayetano couple si Asis at tinanong kung bakit may jueteng sa area nila at iniutos na ipasara ito. Subalit halos 10 araw na ang utos ng Cayetano couple subalit patuloy pa din na nangungubra ng taya sa jueteng sina alyas Ayungin, Philip, Ka Joey at Ka Tonying sa FTI at sa Lower Bicutan. Ang management pala ng jueteng nina Orosco at Peña ay si Nonong Cabug, na isang pulis sa NCRPO. Kung hindi kayang linisin ng mga Cayetano ang jueteng sa kanilang lugar, baka maging isyu pa ito sa panahon ng kampanya sa 2016 presidential election. Maaga pa nga ay nagdeklara na si Sen. Cayetano na tatakbo siya sa pagka-presidente at ang patuloy na jueteng operation nina Orosco at Peña ay hindi makakatulong sa ambition niya, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Dahil sa pagkabigo ng Cayetano couple na maipasara ang jueteng operation nina Orosco at Peña, ang ugong sa ngayon sa SPD area ay palabigasan nila itong sugal. ‘Ika nga, may parating sila kina Orosco at Peña at ito ang war chest ni Sen. Cayetano sa pagtakbo n’ya. Malaki kasi ang paniniwala ng mga kosa ko sa SPD na ang mga TV ads ni Sen. Cayetano ay hindi pinondohan ng galing sa kanyang bulsa. At lalong hindi rin galing sa pondo ng siyudad na abo’t langit na ipinagmamalaki niyang umunlad dahil sa liderato ni Mayor Lani. Kaya ang bayad sa mga TV ads ay galing sa jueteng nina Orosco at Peña, ‘yan ang suspetsa ng mga kosa ko sa SPD. O baka naman nakatanggap din ng DAP si Sen. Cayetano, tanong pa nila? Hehehe! Mahihinto lang ang lahat ng suspetsa sa Cayetano couple kapag sarado na ang jueteng nina Orosco at Peña.

Sa totoo lang, sa huling survey si Sen. Cayetano ay kumuha lang ng limang porsiyento sa lahat ng presidentiables at lamang lang siya kay dating Sen. Dick Gordon na mayroong 1 percent. Siyempre, ang nangunguna sa survey ay si Vice Pres. Jojo Binay  na may 41 percent rating at kasunod nga  ay si Sen. Grace Poe na may12 percent. Si Sen. Cayetano ay maingay na noong congressman pa siya at lalo na nang maging senador na ito su­balit hindi pa umangat ang rating n’ya. Tinalo pa siya ni Poe na nang nakaraang election lang tumakbo at nanalo. Ang tanong sa ngayon ng mga kosa ko sa SPD, bakit kailangang isugal pa nila ang boto nila kay Sen. Caye­tano kung munting problema lang tulad ng jueteng sa Taguig ay hindi niya maaksiyunan?

Bakit hindi sinusunod ni Asis ang kautusan ng mga Cayetano? Sa totoo lang, si Asis ay isa sa sinibak noon dahil mali-mali ang crime reporting sa kanyang sakop. Pinalamig lang ng mga Cayetano ang naturang isyu bago siya binalik sa puwesto. Imbes na maging loyal siya sa Cayetano couple eh mukhang kina Orosco at Peña loyal si Asis eh, di ba mga kosa? Magkano….este bakit nga ba? Abangan!

ASIS

CAYETANO

JUETENG

LANG

OROSCO

PLUSMN

SEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with