^

Punto Mo

Uok (216)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINAGABIHAN, tinupad ni Drew ang pangako kay Gab. Sa rooftop ng kanilang building sila nag-date. Kakaibang date sapagkat ang tanging tanglaw nila ay ang maliwanag na buwan at mga bituin. Parang kayang-kaya nilang abutin ang buwan at mga bituin.

Para maging masaya at memorable ang kanilang pagdi-date, nagpahanda si Drew ng mga pagkain at inumin nila. Ma­raming pagkain ang inihanda niya. Tinalo pa nila ang nasa restaurant. Siyempre silang dalawa lamang ang nasa rooftop.

“Ano ba yung sasabihin mo Drew? Sinasabik mo naman akong mas­yado,” sabi ni Gab habang hawak nang mahigpit ang palad ni Drew.

“Huwag kang maga­galit.’’

“Ano nga yun?”

“Basta ipangako mo, hindi ka magagalit.”

“Oo sige, ano yun?”

“Di ba naitatago mo pa ang iyong kuwintas na napulot ko?’’

“Oo. Mahalaga sa akin yun. Regalo yun sa akin ni Daddy noong nasa Saudi pa siya.’’

“Di ba nawala ang kuwintas na iyon dito mismo sa lugar na kinatatayuan nitong building na ito.’’

“Oo. Ang nakatayo dati rito ay maliit na bahay na mayroong batalan. Hindi ko malilimutan ang bahay na iyon na may batalan.’’

“Di ba sa ilalim ng batalan nakuha ang kuwintas.’’

“Oo. Nalaglag ang kuwintas sa ilalim ng ba­talan.’’

“Nalaglag ang kuwintas habang naliligo ka di ba?”

Napatingin nang todo si Gab kay  Drew.

“Teka ano bang kaugnayan ng kuwintas sa ipagtatapat mo?”

“Basta sagutin mo ako, Gab. Nalaglag ang kuwintas noong naliligo ka di ba?”

“Oo. Nahulog. Ipinatong ko sa damit ko.’’

“Kaya nahulog ay dahil may nakitang alupihan sa damit mo di ba?”

Napatingin uli nang todo si Gab kay Drew.

“Bakit mo alam Drew?’’

“Basta sagutin mo ako. May gumapang na alupihan sa damit mo di ba?”

“Anong kaugnayan ng alupihan, Drew?”

“Sagutin mo lang ako, Gab.”

“Oo na. Nagulat ako sa alupihan kaya nahulog ang kuwintas.’’

“Di ba pinatay ng kasama mong may edad na babae ang alupihan di ba?”

Takang-taka na si Gab.

“Bakit mo alam, Drew?”

Napangiti lang si Drew.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO

ANONG

BAKIT

DREW

GAB

KUWINTAS

NALAGLAG

NAPATINGIN

OO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with