^

Punto Mo

Di na natuto sa kalamidad

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

TAUN-TAON nananalasa ang malalakas na bagyo sa bansa na kumikitil ng buhay at sumi­sira nang maraming ari-arian.

Sa pagragasa ng Bagyong Glenda ay muli na namang nakita ang sitwasyon sa mga nakaraang kalamidad na tumama sa bansa.

Ang mga eksenang ito ay katulad ng mga paglilikas sa mga residente at dinala sa eva­cuation centers gayundin ang pagkatumba  ng mga poste ng kuryente na naging dahilan nang malawakang brownout.

Pero parang bago nang bago tayo sa mga ganitong sitwasyon na kung tutuusin ay normal sapagkat taun-taon ay kasama na sa ating buhay ang ganitong panahon. 

Laging mayroong paghahanda ang gobyerno pero laging kapos din naman ang preparasyon at hindi naiiwasan ang matinding pinsala at trahedya.

Panahon na upang lubos na pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang konkretong hakbang upang maging handa sa kalamidad na taun-taon ay tumatama  sa bansa.

Tulad na lang sa evacuation centers na kadalasan ay mga eskuwelahan ang ginagamit kaya naapektuhan din ang mga mag aaral. Bakit hindi na lamang magtayo ng permanenteng evacuation center na nakadisenyo sa mga evacuees tulad nang maraming comfort room at tulugan para mas maging komportable ang mga biktima.

Taun-taun ay magagamit naman ito kung kaya gawin na ang permanenteng istruktura sa lugar na ligtas.

Kung mangyayari ito ay naniniwala ako na walang aayaw sa sinumang residente na ililikas kung maayos naman ang evacuation center kumpara sa eskuwelahan o basketball court.

Alam kasi ng evacuees ang kanilang magiging kalagayan sa evacuation center sa kasalukuyan. Kung kaya karamihan sa mga ito ay tutol sa paglilikas maliban na lang kung nandiyan na ang panganib.

Pag-aralan na rin ang pagbabago ng sistema sa mga kawad ng kuryente. Ilagay ito sa ilalim ng lupa upang maging maayos at wala nang masisira na magiging dahilan ng power interruption.

ALAM

BAGYONG GLENDA

BAKIT

ILAGAY

KUNG

LAGING

PAG

PANAHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with