^

Punto Mo

Uok (211)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LINGID sa kaalaman nina Drew at Gab, balak pala ni Basil na sa probinsiya na manirahan. Mas makatutulong sa kanyang kalusugan kung dito sa probinsiya titira. Mas sariwa ang hangin.

Kaya nang sabihin nina Drew at Gab ang balak, ay nagulat pa sila dahil payag na agad si Basil. Tuwang-tuwa nga ito.

“Aba oo, gusto ko nga ritong tumira! Payag ako Gab.’’

“Balak ko kasi Dad, dito na tayo pareho. Gusto kong matutukan ang negosyo namin ni Drew.’’

“Tama iyon. Magkasama pa tayo e nasusubaybayan mo ang negosyong Uokcoco. E paano si Drew?’’

Si Drew ang sumagot.

“Wala pong problema, dadalawin ko na lamang kayo nang madalas dito. Kailangan pong matapos ko ang Law. Mabilis lang po ang apat na taon. Kapag nakatapos ako at nakapasa sa Bar  e magpapakasal na kami ni Gab.’’

Tuwang-tuwa si Basil.

“Iyan ang gusto kong mari-nig. Talagang gusto ko nang makasal kayo kaya lang meron ka pang panga­rap, Drew. Sabagay sag­lit lang ang 4 years.’’

“Opo Dad mabilis lang yun,’’ sabi ni Gab. ‘‘Habang nag-aaral siya ng Law pauunlarin ko ang negosyo naming Uokcoco pesticides. Ako mismo ay mag-e-eksperimento. Palagay ko nga, hindi lamang sa coconut epektibo ang Uokcoco kundi pati sa prutas.’’

‘‘Palagay ko nga rin  Gab. Kaya tama ang balak mo na mag-eksperimento. Marami pang kapakinaba-ngan ang Uokcoco.’’

Hanggang matigilan si Gab. At saka nagsalita. “Me-ron lang ako inaalala kapag nag-iisa ka na sa Maynila, Drew?’’

‘‘Ano yun?’’

‘‘Baka makakita ka ng ibang babae.’’

Nagtawa si Drew.

“Siyempre marami akong makikitang babae roon.’’

“Tange, hindi yun ang ibig kong sabihin. Baka meron kang magustuhang iba.’’

Nagtawa uli si Drew.

“E di lagot ako kay Uok. Baka sirain ako ni Uok, ha-ha-ha!’’

Nagtawa si Basil at nakitawa si Gab.

‘‘Humanda ka kay Uok dahil ipasisira kita,’’ sabi ni Basil.

 (Itutuloy)

DREW

GAB

KAYA

NAGTAWA

OPO DAD

PALAGAY

TUWANG

UOK

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with