^

Punto Mo

Celebrities na makunat mag-tip

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Narito ang iba’t ibang kuwento ng  Hollywood celebrities tungkol sa kakunatan nila sa pagbibigay ng tip:

 

Britney Spears: Habang kumakain ang grupo ni Britney sa Hollywood’s One Sunset, tinawag niya ang waiter at inutusang ibili siya ng kape sa Starbucks na malapit lang sa restaurant. Walang ibinigay na pera si Britney. Nahihiya naman ang waiter na humingi ng pera. Siyempre, artista. Pera muna ng waiter ang ibinili ng kape. Pagkatapos kumain ay binayaran ni Britney ang kinain nila. Umalis ang grupo na walang ibinigay na tip, hindi pa binayaran ang waiter sa ipinambili nito ng kape.

Usher: May reputasyon ang singer na ito na umiwas magbayad kapag isang grupo silang kumain sa isang restaurant. Hinahayaan niyang mga kasama ang magbayad ng kanilang kinain. Kung ganoon, paano mo siya aasahang mag­bigay  ng tip. Kapag kumain nang nag-iisa, autograph niya sa resibo sa halip na tip ang kanyang iniiwan kahit wala namang humihingi sa staff ng restaurant.

Mariah Carey: Ang kuwentong ito ay nalathala pa sa New York Post. Isang malaking grupo ni Mariah Carey ang kumain sa restaurant. Magsasara na ang restaurant pero nagkakasayahan pa ang grupo. Nang kausapin sila ng manager na magsasara na sila, sapilitang hiniling ng grupo na i-extend ang oras ng kanilang “stay”. Pinagbigyan ng restaurant ang kahilingan. Ilang oras na na-extend ang trabaho ang staff pero wala man lang tip na ibinigay ang grupo.

Marami pa kuripot na celebrities. (Itutuloy)

vuukle comment

BRITNEY

BRITNEY SPEARS

GRUPO

HABANG

HINAHAYAAN

MARIAH CAREY

NEW YORK POST

ONE SUNSET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with