Uok (205)
“MATANDA na tayo, Iluminado. Mga ilang taon pa at wala na tayo sa mundong ito. Kaya mas makabubuti kung patawarin na ang mga nagkasala at magkabati na. Kalimutan na ang mga nangyari sa kapatid mong si Renato. Matagal na iyon. Taon na ang nakalilipas. At saka di ba ang sabi mo, may kasalanan din si Luningning, ang asawa ni Renato kaya nagkaroon sila ng relasyon ni Uok o ni Basil,’’ seryoso si Tiya Encarnacion sa pagsasalita.
Nakatingin lamang si Tiyo Iluminado sa asawa. May katwiran nga ito. Matagal nang panahon ang nangyari at dapat nang ilibing sa limot ang lahat. Ilang taon na nga lang ang ilalagi nila sa mundong ito at mamaalam na sila. Mas magiging masaya ang buhay kung walang iniisip na mga problema. Dapat magpagtawad na siya.
Bakit hindi niya pakinggan ang paliwanag ni Basil alyas Uok? Baka si Luning-ning ang nagpakita ng moti-bo kaya napilitan itong patulan ni Basil. At minsan, may nasabi nga sa kanya si Renato na gusto nitong mag-ampon ng bata. Wala kasi silang anak ni Luningning. Hindi niya alam kung sino ang may deperensiya kina Renato at Luningning. Pero halata niya na may pagkabakla ang kapatid. Iyon kaya ang dahilan kaya pumatol si Luningning? Gusto nitong pabuntis kay Basil o Uok?
Nag-isip nang malalim si Tiyo Iluminado.
“Ano Nado, patatawa-rin mo na si Uok?’’
Tumango.
‘‘Ay salamat naman. Sige bukas ay luluwas ng Maynila sina Drew at Gab. Sabihin mo na ang balak mo.’’
Kinabukasan, bago umalis sina Drew at Gab ay sinabi ni Tiyo Iluminado ang pasya.
“Gab, sabihin mo sa Daddy mo gusto ko siyang makausap. Ipagsama mo siya rito.’’
Hindi makapaniwala si Gab. Tuwang-tuwa.
“Opo Tiyo, sasabihin ko po.’’
(Itutuloy)
- Latest















