Tips sa paggo-grocery
MINSAN ba naranasan mong mag-grocery at lumampas ka sa budget dahil ang dami mong dinampot na hindi mo naman kailangan? Para bang nawala ka sa diwa ng tamang pagpapasya. Para maintindihan ang ibig kong sabihin, narito ang ilang kaalaman:
Humihina ang disiplina sa pamimili kapag nakaaamoy ng bagong hurnong tinapay at iniihaw na manok. Nabubuksan kasi ang salivary glands dahil sa mabangong amoy.
Palaki nang palaki ang mga pushcart sa grocery para hikayatin ang mga mamimili na mas bumili pa. Mag-ingat, dahil hindi kailangang punuin ang cart.
Nag-iiba ang behavior ng tao depende sa dami ng nasa harap nito. Iwasang mabago ang pagkain o pagkonsumo ng supplies dahil lamang marami ka pa nito.
Ang average na mamimili ay natatandaan lamang ang presyo ng apat na bagay: Gatas, tinapay, saging at itlog.
Ang fresh produce tulad ng prutas at gulay ay nasa bukana dahil sa matitingkad na kulay nito. Pampagising ito sa pamimili.
Mas maliit ang check out lanes para hindi makapagbawas ng laman sa cart ang mamimili habang nagbabayad.
Makinig sa upbeat music kapag namimili. Karamihan ng mga supermarket na may music ay panay slow music. Kaya bumabagal at nagbababad sa grocery kaya maraming nadadampot kahit hindi kailangan.
Hindi at bulto-bulto kang bumili ay mas nakakamura ka. Kung minsan naman ay hindi mo kailangan ang ganoon karami. At kapag higit pa sa kailangan mo ang binili mo at hindi mo naman ito nagagamit, masisira lang.
Hindi lahat nang mura ay sa grocery matatagpuan. Minsan, mas mura sa mga convenience stores at drug stores.
Kapag bumibili ng tinapay, madalas ay sa brown paper bag ito inilalagay at hindi sa plastic. Para raw mas madaling tumigas o maluma nang sa gayon ay babalik ka kaagad at bibili muli.
Hindi nalilinis ang mga push cart. Kaya kung pauupuin ang anak, punasan ito.
- Latest




















