Uok (202)
“T AGUMPAY ang natuklasan mo, Drew! Mabisang pesticide ang kinuha nating lawa-lawa sa mga Uokcoco. Ilang ulit na tinesting sa peste ng niyog at namatay ang peste!” sabi ni Gab.
“Tama ba yung ginawa ko na tinunaw ko sa tubig ang mga lawa-lawa ng Uokcoco?”
“Oo. Yung tinimpla mo ang ipinang-spray sa insekto at mga white uok at epektibo.’’
“Ano raw ang sunod na hakbang para makapag-produce tayo nang marami.’’
“Ire-register sa name mo ang product. Tapos magkakaroon ka na ng lisensiya para sa production ng Uokcoco pesticide.’’
“Kung ganoon, puwede na pala nating sabihin kay Tito Iluminado na ipunin na ang lahat ng lawa-lawa ng mga Uokcoco. Kapag nakaipon na, saka nating idi-disolved sa tubig.’’
“Sabi ng taga-DOST maaari raw lagyan ng kaunting scent ang tubig na pagtutunawan para ang mag-iispray ay hindi naman masulasok.’’
“Naisip ko na nga rin yan. Balak kong ang ilagay na scent ay ilang-ilang o sampaguita.’’
“Okey yun, Drew. Pero para sa akin, mas maganda kung ilang-ilang. Mas mabango, mas maganda.’’
“Ang kailangan natin ngayon ay mga plastic bottle na paglalagyan ng Uokcoco pesticide. Kailangan safe ang lalagyan.’’
“May kakilala akong designer. Maaari tayong magpagawa sa kanya.’’
“Sige. Kailangang maisagawa na natin ito dahil kumakalat na nang kumakalat ang peste ng niyog. Huli kong balita, hindi lamang mga white uok ang sumisira sa mga niyog kundi pati na rin ang mga langgam na may pakpak na ang pinupuntirya ay ang puso ng niyog.’’
“Ito ang sagot sa peste ng niyog. Makakatulong na tayo sa bansa. Maraming mahihirap ang makikinabang.’’
MAKALIPAS ang isang buwan, nakapag-prodyus na sina Drew at Gab ng mga naka-botelyang Uokcoco pesticide.
“Mas madaling gamitin at epektibo!”
“Palagay ko, malilipol na ang mga peste ng niyog.’’
Tuwang-tuwa ang dalawa nang mapabalita ang kanilang produkto at marami na agad ang nag-order para gamitin sa kanilang coconut plantation.
(Itutuloy)
- Latest