^

Punto Mo

Health Inspirations

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ayon sa Chest Research Foundation sa Malaysia, ang perwisyo na dulot ng paglanghap sa usok ng katol ay katumbas ng paglanghap sa 100 pirasong sigarilyo.

Mga 120 calories ang nasusunog kapag isang oras na nakatayo.

Iwasang umupo nang naka-cross legs. Bukod sa nagi-ging dahilan ito ng pagsulpot ng varicose vein, nagiging dahilan din ito ng back pain.

Katumbas ng free foot yoga at free reflexology session ang paglalakad ng  nakayapak ng ilang oras.

Bigyan mo ang iyong sarili ng pagkakataong isipin ang iyong mga problema. Ngunit orasan mo ito—hanggang 30 minuto lang per day. Tapos umidlip ka ng 15 minutes. Paggi-sing mo, maaliwalas na ang iyong pakiramdam at may tsansang maisip mo ang solusyon sa iyong problema.

Upang makamtan ang vitamin D, magpa-araw sa umaga (before 10 a.m.) or sa hapon (after 3 p.m.) ng 15 to 30 minuto apat na beses sa isang linggo. Ang pagkaing mayaman sa vitamin D ay salmon at mackerel.

Ang benepisyong dulot ng vitamin D— Pinipigilan nito ang pagkakaroon ng cancer sa pancreas, lungs, breast, ovary, prostate at colon.

Bakit laging malapit sa kilikili tumutubo ang breast cancer tumor? Kung hindi maiwasang gumamit ng deodorant, hugasan ng sabon at tubig ang kilikili tuwing gabi. Ang deodorant ay may chemical na lumilikha ng toxin na nagiging dahilan ng cell mutation or cancer cell. Ang lalaking gumagamit ng deodorant ay mas mababa ang tsansa na tubuan ng tumor kaysa babae. Bakit? Hindi direktang tumatama sa balat ang deodorant dahil makapal ang buhok nila sa kilikili.

Source: Wikipedia at rishikajain.com

AYON

BAKIT

BIGYAN

BUKOD

CHEST RESEARCH FOUNDATION

IWASANG

KATUMBAS

NGUNIT

PAGGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with