‘PAGCOR may utang sa BIR (?)’
MAY mga paratang na lumalabas ngayon sa mga pahayagan o maging sa telebisyon at radio tungkol sa Philippines Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Isa na rito ang isyu’ng sinabi ni Bayan Muna Party List Representative Neri Colmenares tungkol sa hindi umano pagbabayad ng karampatang buwis ng PAGCOR.
Sagot ng state-owned gaming firm, ang PAGCOR ay isang responsableng corporate citizen, nagre-remit ng cash dividends sa National Treasury at nagbabayad ng tamang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ilalam ng kasalukuyang namamahala. May higit P5 bilyong unremitted cash dividends ang PAGCOR mula pa noong 2005. Ito ay ipinagbigay alam ng Department of Finance (DOF) sa PAGCOR nito lamang Pebrero 17, 2014. Mula umano ito sa mga hindi nabayarang obligasyon sa National Treasury noong nakaraang namamahala sa PAGCOR.
Halos kalahati o P2.44 bilyon sa unlimited cash dividends ang nabayaran na ng kasalukuyang admisnitrasyon at inaasahang ang mga natitirang balanse ay mababayaran sa mga susunod na taon. Hinaharap din ng kasalukuyang pamunuan ng PAGCOR ang pagbabayad ng corporate income tax na halos P857 milyon at P1.65 bilyon naman para sa fringe benefits tax sa BIR at bank loans na hindi nabayaran noong dating PAGCOR management. Matatandaan din, na dahil sa mahusay na pangangasiwa ng pondo ng kasalukuyang administrasyon, ang state-owned ga-ming firm ay nakapagbigay ng P5 bilyon funding sa Department of Education (DepEd) para sa pagpapagawa ng libo-libong silid-aralan para sa mga pampublikong paaralan.
Tungkol sa issue ng license fees ng mga entertainment city proponents, nilinaw ng kasalukuyang pamunuan ng pagcor na ang probisyong nagsasaad na ang license fees ay “in lieu of all taxes” ay inaprubahan ng previous pagcor management. Bagama’t nagkaroon ng 10% adjustment sa original rates ng license fees, ang mga entertainment city proponents ay magbabayad pa rin ng 15% hanggang 25% ng kanilang gaming revenues sa pamahalaan kung saan ang 10% ay direktang ire-remit sa bir sa halip na padaanin pa sa pagcor. Walang mawawalang pera sa pamahalaan sapagka’t ang mga entertainment city proponents ay obligadong bayaran ng buo ang government share sa kanilang gaming revenues.
Paglilinaw ng PAGCOR na mula pa noong 1993, mayroon na silang intelligence operations at lahat ito ay inaprubahan ng presidente. Mahalaga ito para matiyak ang integridad at proteksiyon ng gaming activities sa mga casino. Ang liquidation ng cash advances sa pagcor intel operations ay ginagawa alingsunod sa requirements ng coa circular 2003-002. Kamakailan ay nagkaroon pa ng karagdagang documentary requirements ang coa at ang lahat ng ito ay naisumite na ng pagcor.
Ayon pa sa PAGCOR tinatayang mas mababa ng 46 porsyento ang Intelligence Expenses nitong 2014 kumpara sa pinakamataas na intelligence na nagastos noong nakaraang administrasyon. Patuloy ding pinag-aaralan ng pagcor kung paano pa mas mababawasan ang gastusin ng ahensya sa intelligence operations nito. (KINALAP NI I-GIE MALIXI)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN O MAY PROBLEMANG LIGAL magpunta lang sa 5th Floor CityState Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City. Maari kayong magtext sa mga numerong 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes. Magdala lang kayo ng mga dokumentong may kinalaman sa inyong reklamo.
Makinig rin kayo ng progra-mang “PARI KO” tuwing Linggo sa DWIZ 882 KHZ. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna.
Sa mga taong may problemang medikal, walang kakayahang magpagamot maari din kayong lumapit sa tanggapan ng “PUSONG PINOY”, sa parehong address: 5th Floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City, Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng umaga. Huwag niyo kalimutang magdala ng photocopy ng inyong ‘Updated Medical Abstract’. Mapapakinggan ang programang “PUSONG PINOY” tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Sa DWIZ 882KHZ, AM BAND.
- Latest