^

Punto Mo

Nag-donate na magbabayad pa nang mahal na buwis

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Imbes na habulin ang mga criminal, ang pitsa ang pinagkaabalahan nitong taga-RIU-NCR ni Intelligence Group (IG) director Chief Supt. Badong Ramos. May kautusan kasi si DILG Sec. Mar Roxas sa PNP na lutasin ang mga sensational crimes sa bansa at tumalima naman ang mga tauhan ni Ramos subalit naligaw sila at ang pasugalan ang nalansag nila. Itinaon ng mga bataan ni Ramos ang pagsalakay sa mga pasugalan sa Metro Manila habang nasa abroad sina PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima at DI chief Dir. Charles Calima. Abangan natin mga kosa kung sino ang nautusan ni Ramos na komolekta ng lingguhang intelihensiya sa pasugalan dahil malaki ang paniniwala ng mga kosa ko na “Oplan Pagpakilala” lang itong ginawa ng mga bataan niya.

• • • • • •

Sangkaterba pa ring relief goods ang dumadating sa bansa para sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda. Subalit nangangamba si Iñigo Larrazabal, ang dating president ng Ormoc City Chamber of Commerce na mabubulok lang ang mga donated items dahil sa sobrang taas na singil ng Bureau of Customs sa Cebu. Karamihan kasi sa mga donated items mula sa abroad ay para sa nasalanta ni Yolanda sa probinsiya ng Leyte at Samar at maging sa mga siyudad ng Ormoc at Tacloban. Ang singil pala ng BOC sa Cebu sa bawat 20-container van ay P150,000 kaya hindi mailabas ang mga donated items. Kasi nga ba naman, nag-donate ka na eh magbabayad ka pa ng buwis o dagdag gastos pa ito di ba mga kosa? Ano bali? Hehehe! Dapat makialam na ang gobyerno ni President Noynoy Aquino sa sigalot na ito dahil habang tumatagal ang donated goods sa BOC sa Cebu, naghihikahos naman at halos di na maka-move on ang mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo. Mismo!

Itong Ormoc City-based businessman na si Larrazabal kasi ang paboritong contact person ng mga taga-abroad na gustong mag-donate ng kung anu-anong items para sa Yolanda victims. At dahil sa mataas na demurrage fees at iba pang charges, marami sa donors sa abroad ang nagdadalawang-isip na dahil sa sobrang gastusin. Idagdag pa natin dyan mga kosa ang red tape para mailabas ang mga kargamentong donations at t’yak madidismaya ka. Sinabi naman ni Larrazabal na nagtayo ang gobyerno ng one-stop center para mapabilis ang pagpalabas ng donated items sa mga BOC offices subalit mukhang hindi na ito gumagana sa Cebu. Kailangan pa bang dumami pa ang mamamatay sa gutom at kung anu-ano pang sakit ang mga Yolanda victims bago kumilos itong gobyerno ni Aquino para mapabilis ang pagpalabas ng mga donated goods? Hayyyyy! Ano ba ‘yan? Siguro walang kamag-anak na naapektuhan ng Yolanda ang mga opisyales ng BOC sa Cebu kaya’t hindi nila naramdaman ang hirap at pighati ng mga biktima, di ba mga kosa?

Sa totoo lang, halos wala pang pagbabago sa Ormoc, Tacloban at iba pang lugar na sinalanta ng Yolanda subalit nagpipilit ang mga residente na makapag-move on sila kahit walang tulong mula sa gobyerno. Sa tingin kasi nila, bulok na ang mga donated items mula sa BOC sa Cebu kapag nailabas ang mga ito at maipamahagi sa kanila. Abangan!

ABANGAN

ALAN PURISIMA

ANO

BADONG RAMOS

CEBU

LARRAZABAL

RAMOS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with