^

Punto Mo

Uok (195)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“A NONG Uokcoco?” tanong ni Basil na nagtataka.

“E, kuwan po, yung natuklasan ni Drew.”

“Anong natuklasan?’

Binalingan ni Gab si Drew. “Drew ikaw na nga ang mag-explain kay Daddy­.’’

Ipinaliwanag ni Drew kay Basil ang tungkol sa Uokcoco at kung paano niya ito natuklasan.

Hindi makapaniwala si Basil. Humanga kay Drew.

“Bihira ang katulad mo, Drew. Napaka-useful nang natuklasan mo. Kakaiba!”

“Salamat po.’’

“Pero ang labis kong ikinatutuwa, ang pangalang ikinabit sa akin --- si Uok ay malaki pala ang magi­ging role sa mga coconut planters.’’

“Oo nga po Sir Basil.’’

“Ikaw ba ang nakaisip ng Uokcoco?”

“Opo.’’

“Magaling! Palagay ko tatabo ka ng pera sa natuk­lasan mong yan, Drew. At palagay ko magiging ma­ganda ang buhay n’yo nitong si Gab. Suwerte ang anak ko!”

Nagsalita si Gab.

“E di botong-boto ka na kay Drew Daddy?’’

“Oo naman. Noon pa alam na ni Drew na gusto ko siya para sa iyo.’’

Tinampal ni Gab sa braso si Drew.

“Ikaw ha, hindi ko alam na okey na pala kayo ni Daddy.’’

Napangiti lamang si Drew.

Binalingan ni Gab ang daddy niya.

“Dad, puwede ba akong sumama kay Drew. Kahit isang araw lang ako roon. Kinabukasan, babalik din ako. Iiwan ko si Drew.’’

“Oo, sige. Huwag mo akong alalahanin dito. Wala na akong sakit. Kaya ko nang mag-isa. Kahit ilang araw ka roon. Mag-ingat lang kayo ni Drew.’’

“Salamat Daddy.’’

Kinausap ni Basil nang masinsinan si Drew. “Ikaw na ang bahala kay Gab, Drew. Huwag mo siyang paba­bayaan doon. Alam mo naman, may taong galit sa akin dun. Huwag mong iiwan na nag-iisa si Gab.’’

“Opo. Ako po ang bahala kay Gab. Ligtas po kaming babalik dito.’’

“Salamat, Drew.’’

KINABUKASAN, umuwi ng probinsiya sina Drew at Gab.

Gulat na gulat sina Tiyo Iluminado at Tiya Encarnacion nang makita si Gab.

Ipinakilala ito ni Drew.

“Tiyo Iluminado, Tiya Encarnacion, si Gab po, nobya ko.’’

“Magandang araw po, Tiyo, Tiya.’’

Hindi makapagsalita ang mag-asawa. Kahit nakita na nila si Gab noon, malaki ang pagkakaiba ngayon. Mukhang napakabait ni Gab. Bukod doon, napakaganda. Parang hindi ito anak ni Uok!

(Itutuloy)

DREW

GAB

HUWAG

IKAW

KAHIT

OO

TIYA ENCARNACION

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with