^

Punto Mo

‘Bus holdap’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BUMABALIK na naman ang holdapan sa mga bus lalo na pagsapit ng gabi. Ang ganitong mga insidente, hindi naitatala sa mga blotter book ng pulisya.

Kaya ang mga kolokoy at masasamang-loob, habang hindi mainit sa mga pulis, malalakas ang loob na isagawa ang ga­nitong aktibidades.

Isa sa mga pangunahing dahilan ang kawalan ng mga nagro-ronda at nagpapatrolyang lespu partikular sa kahabaan ng EDSA.

Kadalasang nangyayari ang panghoholdap dis-oras ng gabi kung saan ang mga alagad ng batas ay naghihilik na sa loob ng kanilang mga patrol car.

Ang ganitong mga krimen, nag-iiwan na lang ng trauma, takot at pangamba sa mga biktima.  

Nakatuon ngayon ang pansin ng Philippine National Police sa mga checkpoint sa National Capital Region (NCR).

Ito naman ang sinasamantala ng mga putok sa buhong kriminal. Mayroon silang sari-sariling pamamaraan kung papaano isagawa ang krimen.

Kapag nakita nila na mainit sila sa mga awtoridad, nagpapalamig muna ang mga ito. Pero, tuloy pa rin ang kanilang aktibidades sa ibang lugar.

Matatandaang kamakailan, ikinasa ng NCRPO ang imbestigasyon sa sunud-sunod na insidente ng pagpatay ng mga riding-in-tandem.

Kung talagang agresibo ang pulisya, dapat mayroong aktibong nagrorondang mga pulis sa bawat sulok ng lansangan.

May mga nakatalagang highway patrol upang bago pa man isagawa ang krimen, magda­dalawang-isip muna ang mga kenkoy, kumag, kolokoy na mga kriminal.

Paging NCRPO Chief Carmelo Valmoria, alam mo na hindi pumapasok sa blotter book ng mga istasyon ng pulisya ang holdapan sa mga bus.

Siguro kailangan ulit ipaalala at ituro ng Interior and Local Government na ang pagre-report ng krimen partikular sa Metro Manila ay kabahagi ng trabaho ng PNP.

Crime prevention hindi crime solution! Tsk…tsk!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

ABANGAN

CHIEF CARMELO VALMORIA

ISA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with