^

Punto Mo

Uok (191)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG bilangin nina Ti­yo Iluminado at Tiya Encarnacion ang pinagbentahan nila ng araw na iyon ay lampas P50,000. Iyon ay sa kabila na marami silang binentahang mahihirap na magsasaka na mura ang Uokcoco --- P100 lang. Marami rin kasing mayayamang coconut plantation owner ang nagtungo ng araw na iyon para bumili ng Uokcoco.

“Hindi ko akalain na makahahawak ng P50,000, Encar,’’ sabi ni Tiyo Iluminado. Tuwang-tuwa ito.

“Ako man ay namamangha, Nado. Kung kailan tayo tumanda e saka tayo nagkapera ng ganito.’’

“Kung araw-araw ay P50,000 ang kikitain natin, madali tayong yayaman. Tama ang sabi ni Drew na kapag nagtagumpay ang Uokcoco, maraming pera ang aakyat sa atin.’’

“Hindi naman kaya manganib ang buhay natin, Nado. Siyempre, kakalat ang balita sa barangay natin na malaki ang benta natin sa mga Uokcoco. Baka may magtangka sa atin.’’

“Hindi naman siguro, Encar. Magdasal na lamang tayo na walang magtangka sa atin.’’

‘‘Ano kaya at kumuha tayo ng mga dalawang tao para lang may nakabantay. Mayroon akong dalawang pamangkin na malalaki ang katawan at alam ko nag-aral ng martial arts. Mababait ang dalawang iyon at mga bata pa. Malalakas at maliliksi. Susuwelduhan natin sila.’’

“Sige.’’

“Kakausapin ko mamaya.’’

“Sige, Encar. Tatawagan ko na si Drew at itatanong kung kailan siya pupunta rito.’’

Ganun nga ang ginawa ni Tiyo Iluminado. Tinawagan si Drew.

‘‘Drew, kailan ka pupunta rito? Ang daming bumibili ng imbensiyon mo. Marami na tayong pera!’’

“Baka next week pa Tiyo Iluminado. May inaasikaso pa po ako. Magbenta lang po kayo nang magbenta. Palagay ko, marami pang pupunta sa inyo dahil patuloy ang paglabas ng story ukol sa Uokcoco. Maraming nakakabasa kaya mara-ming nagtutungo riyan. Basta po P1,000 ang benta mo sa isang Uokcoco kung mayaman ang bibili at P100 naman kung mahirap na magsasaka o kakaunti ang niyugan.’’

“Ganun nga ang ginawa ko Drew.’’

“Mabuti naman po, Tiyo Iluminado.’’

“Kukuha kami ng dalawang tao para guwardiya namin. Kasi marami na ngang pera dito sa bahay.’’

‘‘Mabuti nga po na may guwardiya. Ideposito n’yo sa banko ang pera para safe.’’

“Sige, Drew. Siya nga pala masikip na ang ating breeding room. Balak ko magpagawa ng extension.’’

“Sige po, Tiyo. Ikaw po ang bahala.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Tinungo ni Tiyo Iluminado ang breeding room. Sikip na nga. Wala nang paglagyan ng mga container. Kailangang magpa­gawa pa uli ng karagdagang breeding room.

(Itutuloy)

ANO

ENCAR

GANUN

MARAMI

NADO

SIGE

TIYA ENCARNACION

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with