Grabeng traffic sa China, inabot ng dalawang linggo
HINDI maitatangging araw-araw ang kalbaryo na pinagdadaanan ng mga motorista dito sa Pilipinas sa tindi ng traffic lalo na sa EDSA at iba pang mga lansangan sa Metro Manila. Ngunit masalimuot man ang mga traffic dito sa atin na inaabot ng walong oras, wala ito sa napakatinding traffic na tumama sa isang highway sa China noong 2010 na inabot ng dalawang linggo.
Nangyari ang matinding traffic sa isang highway na nagkokonekta sa Beijing sa bayan ng Zhangjiakou. Marami ang mga motoristang gumagamit ng highway na ito lalo na noong nagsimulang lumago ang ekonomiya ng China.
Hindi idinisenyo ang highway para sa dami ng moto-ristang dumadaan na dito ngayon araw-araw kaya naman nang sinarhan ang ilang bahagi nito para sa maintenance ay nagsimula nang magkabuhol-buhol ang mga sasakyan at magbara ang daloy ng trapiko.
Sa tindi ng traffic ay nagmistulang isang dambuhalang parking lot ang highway. Dahil wala nang gumagalaw na mga sasakyan, ang ilan sa mga nagmamaneho ng mga truck ay natulog muna na mas lalo pang nakadagdag sa matin-ding traffic dahil sa hindi pagÂgalaw ng kanilang mga naglalaÂkihang mga sasakyan. Marami sa mga motorista ang limang araw na namalagi sa daan kaya naman nagmistulang kubeta ang tabi ng highway dahil doon dumudumi at umiihi.
Nakakita naman ng pagkakakitaan ang mga residente ng mga kabahayang malapit sa highway kaya naglako ang mga ito ng mga pagkain at maiinom para sa mga motoristang ilang araw na-stranded sa kalsada.
Umabot ng 12 araw ang traffic sa Beijing- Zhangjiakou highway bago nasolusyunan. Binuksan ng gobyerno ang mga alternatibong daan para sa mga motorista. Pinahintulutan din ang mga dambuhalang truck na dumaan sa mga kalsada sa loob ng Beijing.
Simula noong 2010, hindi na naulit ang malalang traffic na nangyari. Hindi na rin nagsisikip ang daloy ng trapiko sa Beijing- Zhangjiakou highway.
- Latest