^

Punto Mo

Uok (190)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MARAMING napagbentahan si Tiyo Iluminado sa araw na iyon. Pawang mga mayayaman at may malalaking plantation ng niyog ang nagtungo sa kanya para bumili ng Uokcoco. Nang bilangin niya ang napagbentahan, P50,000! Ganun karami ang kinita niya sa loob ng isang araw lang. Noon lang siya nakahawak ng ganoon ka­laking halaga.

Maski si Tiya Encar­nacion ay hindi makapaniwala sa dumating na grasya ng Diyos.

“Kinikita natin ito sa loob ng isang taon, Nado.”

“Baka nga wala pa dahil mahina ang benta ng niyog.’’

“Kung araw-araw ay P50,000 ang kita natin madali nga tayong yayaman, Nado.’’

“Oo Encar. Tama ang sabi ni Drew na yayaman tayo.’’

“E kailan ba darating si Drew?”

“Wala pa akong natatanggap na text. Baka busy sa pag-promote ng Uokcoco. Baka interesado ang editor ng diyaryo sa Uokcoco at isi-series ang balita ukol dito. Kasi’y malala na ang problema sa white uok. Maraming probinsiya na pala ang napinsala ng white uok.’’

“E sabihin mo kaya na tambak na ang bumibili ng Uokcoco.’’

“Tinext ko na pero hindi pa nagre-reply. Baka busy nga.’’

“E hindi ka ba mauubusan ng Uokcoco, Nado?’’

“Hindi. Marami kaming na-breed ni Drew. Mada­ling dumami ang Uokcoco, Encar.’’

“Kailangan siguro magkaroon ka na nang malaking space para sa pag-breed ng Uokcoco.’’

“Oo nga. Sasabihin ko kay Drew.’’

KINABUKASAN, mga alas singko ng mada­ling araw ay mayroong dalawang lalaki na du­mating sa bahay ni Tiyo Iluminado. Mukhang mga mahihirap.

“Manong, puwede po ba ka­ming bumili ng Uokcoco?”

“Puwede! E gaano ba kalaki ang niyugan ninyo?”

“Ako po ay isang ektarya. Maliit lang po, Manong. Sapat-sapat lang.’’

“Ako naman po ay wala pang isang ektarya,” sabi ng isa pa.

“Ganun ba? E P100 lang bawat Uokcoco. Mura lang kapag maliliit ang niyugan.’’

“Salamat naman po Manong.’’

Binigyan ni Tiyo Iluminado ng Uokcoco ang dalawang magsasaka.

Ilan pang mahihirap na magsasaka ang bumili sa kanya ng araw na iyon.

(Itutuloy)

 

ARAW

BINIGYAN

GANUN

MANONG

NADO

OO ENCAR

TIYA ENCAR

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with