^

Punto Mo

Senyales na may sakit ka

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NAGPAPATINGIN lamang tayo sa doctor kapag talagang confirmed na masama ang pakiramdam natin — halimbawa may lagnat o malala na ang ubo. Pero alam n’yo bang may mga senyales na tayo ay may “sakit”?

1. Tuyo ang balat at labi. Ito ang pinakakaraniwang sen­yales ng dehydration. Maaari ring hudyat ng hypothyroidism o diabetes.

2. Labis na facial hair. Mga piraso ng buhok na tumutubo sa maling lugar lalo na sa may bahagi ng panga, baba at itaas ng nguso. Ito ay maaaring sintomas ng polycystic ovary syndrome, isang hormonal imbalance kung saan ang male hormones ng babae ay tumataas. Magpa-check-up.

3. Madidilaw na dots sa talukap ng mata. Ang laman niyan ay cholesterol. Senyales ito na may mas mataas na risk ka para sa sakit sa puso. Ang mga pwedeng mangyari sayo ay magkaroon ng bara sa puso o atakehin. Mamili ka. Kaya magpatingin kaagad. Huwag balewalain ang mga tuldok na ito.

4. Eyebags at pamamaga. Maaaring senyales ng malalang allergies na nagpapamaga ng mga ugat kung kaya tumatagas. Ang mga blood vessels na ito ay nasa ilalim ng mata.

5. Hindi pantay na mukha. Stroke. Kapag humarap ka sa salamin at alam mong may malaking nagbago sa hitsura mo. Lalo na kung parang manhid ang isang bahagi ng mukha at pakiramdam mo ay hindi ka makangiti o hirap magsalita.

6. Pag-iiba ng kulay. Kahit kakaunting pagbabago ay indikasyon ng seryosong bagay. Kapag maputla, maaaring anemia. Kapag manilaw-nilaw ay sakit sa atay. Biglang pag-aasul ng labi o kuko ay maaaring sen­yales ng sakit sa baga o  puso.

7. Rashes sa balat. Ma­aaring may kinalaman sa digestion. Madalas ay lumalabas ito sa balat. Tulad ng mga allergy sa pagkain, minsan may pamamantal. Mag-ingat sa mga kinakain.

8. Lumalalim at umuurong na baba. Posibleng senyales ng sleep apnea, ang kundisyon kung saan tumitigil kang hu­minga sa iyong pagtulog. Heto pa, kung malakas ka maghilik, masakit ang ulo paggising sa umaga at parang pagod na pagod. Magpatingin ka na.

 

BIGLANG

EYEBAGS

HETO

HUWAG

KAHIT

KAPAG

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with