^

Punto Mo

Damit pangkasal, gawa sa pinagtagpi-tagping toilet paper!

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG estudyante mula sa North Carolina ang nakagawa ng damit pangkasal mula sa pinagtagpi-tagping toilet paper.

Ang lumikha ng wedding gown ay si Olivia Mears, isang mag-aaral ng sining na taga-Asheville, North Carolina. Inilahok niya ang kanyang likhang wedding gown sa isang patimpalak ng mga damit na gawa sa toilet paper na isinasagawa taun-taon sa kanilang bayan.

Gumamit si Olivia ng 11 rolls ng toilet paper, 100 feet ng packaging tape, at sandamukal na pandikit para mabuo ang kakaibang wedding gown. Ilang linggo lamang ang kanyang naging palugit para mabuo ang kanyang likha dahil huli na nang malaman niya ang tungkol sa patimpalak.

Sa unang tingin, mukhang madaling masira ang naga­wang gown ni Olivia dahil gawa lamang sa papel. Sa ka­bila nito, nagawa ni Olivia na isuot ang sarili niyang likha nang hindi napupunit ang anumang parte ng gown. Nahirapan siya ng kaunti dahil may ilang parte ito na may kasikipan sa kanya ngunit sadyang matibay ang kanyang pagkakagawa sa gown. Dinamihan kasi niya ang packaging tape na nagdidikit-dikit sa buong gown.

Natakot din siya na sirain ng kanyang alagang pusa ang kanyang gown lalo na noong napansin niya na umaaligid-aligid na ito sa kanyang likha. Sa kabutihang palad ay nagawa niya itong libangin sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng isang rolyo ng toilet paper upang paglaruan.

Bagamat hindi pinalad na manalo sa patimpalak na kanyang sinalihan, plano pa rin sumali ni Olivia sa isang taon at sisiguraduhin niyang makakapaghanda na siya ng lubusan. Plano rin niya na maging isang designer ng mga costume sa pelikula at telebisyon.

ASHEVILLE

BAGAMAT

DINAMIHAN

GOWN

GUMAMIT

ILANG

KANYANG

NORTH CAROLINA

OLIVIA MEARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with