Mataas na multa sa kolorum, ituloy
HINDI dapat magpasindak ang LTFRB sa banta ng transport groups na magluÂlunsad ng tigil pasada kaugnay nang pagpapatupad sa mas mataas na multa laban sa mga kolorum na pampublikong sasakyan. Lumilitaw na pawang kolorum at iligal ang ilang pinapasadang behikulo ng ilang transport groups kaya umaayaw ang mga ito sa mas mataas na multa.
Kung hindi sila kolorum at hindi naman lalabag sa kautusang ito, wala namang problema kahit pa ilang bilyong piso ang multa.
Nakatakdang ipatupad bukas ang mataas na multa sa mga mahuhuling kolorum. Ang bus na colorum ay may multang P1 million; trucks at vans: P200,000; sedan o taxi: P120,000; jeepney: P50,000 at motorsiklo: P6,000.
Hindi dapat matakot ang gobyerno sa banta ng transport groups at kailangang ipatupad ito.
Likas na sa mga Pilipino na kailangang gamitan muna ng “kamay na bakal†bago sumunod at madisiplina. Samantalang kapag ang isang Pilipino driver ay nagmaneho sa ibayong-dagat ay napakaingat at sumusunod sa batas trapiko dahil alam nilang sila ay huhulihin.
Dito sa ating bansa ay talamak ang katiwalian at maraming law enforcer ang nasusuhulan kaya nababalewala ang batas.
Umaasa naman ang mamamayan na kapag ipinatupad ang patakarang ito laban sa mga kolorum, tiyakin na hindi ito magagamit ng ilang tiwaling traffic enforcer.
Patawan din ng mas mabigat na parusa ang law enforcer na mapapatunayang nagpasuhol upang magkapera sa mga motorista.
Sa ibang bansa ay mahirap suhulan ang mga tagapagÂpatupad ng batas dahil mas mabigat na parusa ang kakaharapin. Sampolan ng gobyerno ang mga lalabag sa kampanya laban sa kolorum upang makatiyak na magtatagumpay ang kampanya. Asahan na magiging disiplinado ang lahat lalo na ang sector ng transportasyon sa bansa.
- Latest