^

Punto Mo

‘Two birds in one stone’

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NALAGAS ang mahigit 30 video karera machines ng gambling lord na si Buboy Go nang magsagawa ng raid ang mga ahente ng NCRPO sa Malabon nitong nakalipas na mga araw. Nadaanan din ang tatlong makina ni Gina Gutierrez, ang gambling lord na nakabase sa Maynila. Nararapat lang na puksain ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria ang naglilipanang makina nina Go at Gutierrez dahil salot ang mga ito sa kabataan natin. Hindi naman kaila sa mga kosa ko na ang mga parukyano ng VK machines at halos puro adik. Kaya sa kampanya ni Valmoria, masasabi kong dalawang problema ang nalutas niya --- ang ilegal na sugal at ang droga. Angkop lang ito sa kasabihan na ‘‘Two birds in one stone,’’ di ba mga kosa? Pero hindi lang ang mga makina nina Go at Gutierrez ang nabagsakan ng galit ni Valmoria kundi maging ang sakla puwesto-piho at lotteng ni alyas Mario Bokbok sa Malabon din; bookies ng karera ni Nancy Kamote, lotteng ni Don Ramon at saklang-patay ni Lucy sa Caloocan City at sakla ni Toti sa Valenzuela City. Na-raid din ang lotteng ni Lito Motor, VK ni Rey Recto at bookies ni Ver Bicol sa Quezon City; lotteng ni Rene Ocampo sa Makati City, lotteng din ni Willi Kalagayan sa Parañaque City, lotteng pa ni Onie sa Las Pinas City, VK ni Melchor sa Parañaque City, sakla ni Lolit sa Muntinlupa City at bookies ni SPO2 Gener Presnedi alyas Paknoy sa Manila. Hehehe! Palakpakan natin ang panibago at masiglang kampanya ni Valmoria laban sa pasugalan. Mabuhay ang no take policy ni DILG Sec. Mar Roxas sa illegal gambling. Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Maaring huli man, subalit mukhang naniniwala na si Valmoria na may mga tauhan siya na pinapaikutan siya sa kampanya laban sa illegal gambling. Puro denial ang narinig ni Valmoria mula sa mga bataan niya subalit sa sunod-sunod na raid na isinagawa ng RPIOU, tiyak mapapatunayan niya kung sino ang “bumukol” sa kanya. Noon pa man ay ibinubulgar ko na ang grupo ni SPO1 Jojo Cruz, alyas Boy Pandak, na naka-assign sa R2, ay nag-iikot sa Metro Manila para sa lingguhang intelihensiya ng NCRPO. Ang gamit ni Cruz ay sina Boy Go alyas Ser Uy, SPO4 Cristobal alyas Tata Cris, Falwart alyas O-wan, at SPO2 Noel de Castro alyas Kalbo. Sa totoo lang Gen. Valmoria Sir, kahit maghapong mag-iikot sa Metro Manila ang grupo ni Cruz, ni singkong duling ay hindi sila makakatanggap sa mga gambling lords at beerhouse operators kung sarili lang nila ang dala nila. Kailangan nilang magbanggit ng opisyal para makumbinsi ang mga may ilegal na matibay ang kapustahan nila. At dahil sa mga raid ng RPIOU, tiyak nagsisigaw na ang mga ilegal kung sinu-sino ang kapustahan nila at makilala nga ni Valmoria ang mga “bumubukol” sa kanya. Hehehe! Dapat makapal ang helmet ni Valmoria para hindi siya masaktan sa mga bukol na tumama sa kanya, di ba mga kosa? Mismo!

Nilinaw naman ni Sr. Supt. Jimili Macaraeg, ang R6 ng NCRPO, na wala siyang kinalaman dito sa aktibidades ni Cruz. Inamin ni Macaraeg na kilala niya si Cruz dahil nagsama sila ng apat na buwan sa NPD noon at nagtataka siya kung bakit palaging naiugnay ang pangalan niya sa kabuktutan ng grupo nito. Congrats pala kay Chief Supt. Allen Bantolo, ang CDS ng NCRPO, at wala nang makapigil sa promotion niya sa PRO9. Abangan!

vuukle comment

ALLEN BANTOLO

ALYAS

BOY GO

CITY

CRUZ

METRO MANILA

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with