^

Punto Mo

‘Mabigat ang kamay’

- Tony Calvento - Pang-masa

MAY mga bagay na pwede mong ayusin meron din naman na pwede mong baguhin subalit kapag nakita mo na kahit na anong gawin mo ay wala ng mangyayari oras na siguro para ikaw ay umaksiyon.

“Pinukpok niya ako sa ulo tapos ang natirang basag na pinggan inihampas sa mukha ko kaya ako nasugat,” sabi ni Perly.

Sobrang pambubugbog umano ng ka-live ang hinaing ng apatnapu’t pitong taong gulang na ginang na si Perlita “Perly” Diso, nakatira sa Bacoor, Cavite. Nagsimula ang hindi magandang pakikitungo sa kanya ng kinakasamang si Gerardo Porbile nang hindi na siya nakakatulong sa mga gastusin. Dating nagtrabaho sa Saudi si Perly at regular siyang nagpapadala kay Gerardo.

“Ako ang nag-alaga sa sanggol na Prinsesa ng Saudi. Taong 2008 nung magpunta ako dun,” kwento ni Perly.

Mabait daw ang mga ito at malaki kung magbigay ng bonus. Ito din ang naging dahilan kung bakit marami siyang lugar na napupuntahan.

“Yung iniaabot nilang pera sa akin ipinapadala ko kay Gerardo para makapag-ipon kami,” wika ni Perly. Makalipas ang dalawang buwan napansin ni Perly na buntis siya. Nang anim na buwan na ang kanyang tiyan umuwi siya ng Pilipinas. Pagkapanganak hindi na nakabalik sa Saudi si Perly. Ito ang dahilan kung bakit hindi na niya natutulungan si Gerardo sa gastusin nila sa bahay.

“Masaya naman kami noon. Pero lahat pala ng ipinapadala ko sa kanya ipinatalo niya lang sa sugal,” sabi daw ni Perly. Ang dahilan umano ni Gerardo kung bakit walang naipon sa mga ipinapadala niya ay inutang daw. Pinuntahan ni Perly yung taong sinasabi ng kinakasama. “Wala akong utang sa kanya,” sagot sa kanya ng nakausap.

“Pati yung mga anak namin ay pinababayaan niya. Walang birth certificate hanggang nga-yon. Hindi niya pinarehistro at hindi niya pinag-aral,” sabi ni Perly. Kwento ni Perly, bawal daw sa Customs kung ipaparehistro ang mga bata. Nagtatrabaho kasi bilang gwardiya doon si Gerardo.

“Alam ko na may asawa siya pero sabi niya sa akin annulled na daw ang kasal nila,” wika ni Perly. Hiniling niya na ipakita sa kanya ang mga papeles na pinapawalang bisa ang kanilang kasal (annulment papers). “Nasa panganay ko yun, baka magalit kapag kinuha ko. Aakalain nun na magpapakasal na naman ako,” sagot umano sa kanya ni Gerardo. Tiningnan din nila ang Facebook Account ng dati nitong misis at iba na ang apelyidong ginagamit. Naniwala si Perly sa sinabi ni Gerardo. “Ikinasal daw kasi yung dati niyang asawa sa Australian. Nung nag-imbestiga ang Australian Embassy naniwala na hiwalay na sila dahil ako na ang kasama,” salaysay ni Perly. Naghalungkat din si Perly sa mga dokumento ni Gerardo kung talagang hiwalay na ito. Nakita niyang married pa rin ang nakalagay sa status nito.

“Halos bumigay ang aking mga tuhod na muntik kong ikinatumba. Pagkauwi niiya kinompronta ko siya ngunit nag-away lang kami,” salaysay ni Perly. Nalaman niya din na hinatid nito ang dating asawa sa airport. Ang pinangarap niyang buong pamilya ay unti-unti nang gumuguho. Lahat ng pagtitiis niya parang nababalewala lang.

 â€œWala kang pakialam dun. Asawa ko yun,” sagot umano sa kanya ni Gerardo.

 â€œAraw-araw nagbibigay siya ng pera sa ‘kin. Hinihingi niya ang listahan ng mga pinagkagastusan ko. Kapag kulang kahit maliit na halaga lang nagagalit siya,” kwento ni Perly. Hinahampas…binubugbog. Ganito ang madalas gawin sa kanya ng kinakasama tuwing kukulangin siya ng kwenta.

 â€œWala kang pakinabang! Palamunin lang kita. Mamatay ka na. Gusto mo patayin kita?” sabi umano sa kanya ni Gerardo. Sunud-sunod na daw siyang sinasaktan nito. Pinilit niya itong pakisamahan dahil walang susuporta sa kanilang mga anak.

 â€œPati ang mga anak namin sinasaktan niya na din kahit sa maliit na bagay lang,” ayon kay Perly. Ika-16 ng Abril 2014 sinabihan umano siya ni Gerardo na hindi na siya maakakatanggap ng sustento mula sa kanya. “Nung Abril 23, 2014 naglayas kami ng mga anak ko. Sa Baywalk na kami natulog,” wika ni Perly. Nais ni Perly na sampahan ng kaso si Gerardo dahil sa mga pananakit sa kanya. May mga medico-legal report naman daw siya na makakapagpatunay na talagang sinasaktan siya. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado  11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Perly.

BILANG TULONG inirefer namin si Perly sa Public Attorney’s Office (PAO) upang makapagsampa ng kaukulang kaso. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kasong RA 9262 (Violence against Women and their Children) ang maaaring isampa ni Perly laban kay Gerardo at yung pambubugbog naman sa kanyang mga anak ay pwede niyang kasuhan ito ng kaso sa ilalim ng kasong Child Abuse o in relation to RA 7610.

Napakahirap isipin na kahit san ka pumunta sa ospital, sa lying-in clinic o maski na sa komadrona (midwife) kapag nanganak ka obligasyon ng nagpaanak sa iyo na i-report na ikaw ay pag fill up-in ng Certificate of Live Birth. Hindi papayag na hindi mo gawin ito at yan ay pino-forward sa City Registrar at pagkatapos ay sa National Statistics Office (NSO). Kung hindi man nagawa yan hindi pa huli ang lahat pwede mong i-apply ang anak mo sa ilalim ng tinatawag na ‘late registration’. Base sa ikinuwento mo sa amin ay hindi na magbabago ang kinakasama mo. Ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang kinabukasan ng mga anak mo. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

DAW

GERARDO

KANYA

NIYA

PERLY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with