^

Punto Mo

Bakit mas masarap ang softdrink sa glass bottle kaysa plastic?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MINSAN, sa food and beverage seminar, naitanong ng isang participant sa staff ng softdrink company kung bakit mas masarap ang lasa ng softdrink na nasa glass bottle kaysa nasa plastic bottle. Ang sagot ng taga-softdrink company ay iisa lang ang timpla ng kanilang softdrink kaya imposibleng mangyari na mas masarap ang nasa glass bottle kaysa plastic bottle. Natapos ang seminar na hindi kumbinsido ang mga participants sa ibinigay na kasagutan sa kanila. Noong isang araw ay may natisod akong artikulo na may titulong Secret to the perfect drink: serve it in a heavy glass, say experts.

May epekto sa perception ng tao ang pag-inom sa heavy glass. Sumasarap ang inumin kung ito ay iniinom mo mula sa magandang kristal na baso. Bukod sa magandang hitsura, nasa isip mo ay mamahalin ito. Ang mga positibong impresyon ay nakakatulong para magkaroon ka ng ilusyon na masarap ang iyong iniinom. Ang plastik na baso ay magaan at walang kislap kumpara sa crystal glass na mabigat at makintab. Isama pa dito ang impresyon na mas mamahalin ang glass kaysa plastic. Kaya ang katotohanan, psychological lang ang isinasarap ng softdrink sa glass bottle.

Kaya next time na magsisilbi ka ng inumin sa iyong mga bisita, gumamit ka ng maganda at makintab na mga  baso.

Source: http://www.telegraph.co.uk/science/science-news

BOTTLE

BUKOD

GLASS

ISAMA

KAYA

NATAPOS

NOONG

SOFTDRINK

SUMASARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with