‘Imus Rescue’
OBLIGASYON ng isang responsableng magulang na pa-lakihin ng mabuti ang kaniyang anak.
Hindi niya ito hahayaang matutuhan ang mga masasamang ugali. Anuman ang nakikita ng kaniyang anak na mga mali sa lipunan, agad niya itong itinutuwid at pinangangaralan.
Subalit, iba ang estilo ng pagpapalaki ng isang ama sa Imus, Cavite. Habang nakikipagsapalaran ang kaniyang kinakasama sa Middle East, kontodo naman ang lalaki sa kaniyang kalayawan.
Sa halip kasi na siya ang magturo ng magandang-asal sa pitong taon nilang anak na babae, ito pa ang nagdadala sa kaniya sa inuman. Ang kaniyang dahilan, wala siyang mapag-iwanan.
Ganito ang sumbong na inilapit ni Sheena sa BITAG. Inirereklamo niya ang kaniyang kinakasamang si Norman.
Taong 2010 nang umalis si Sheena sa Pilipinas. Pumayag siyang maging overseas Filipino worker (OFW) sa Dubai para mabigyan ng magandang-buhay ang anak.
Pero, makalipas ang ilang taon, napilitan siyang umuwi sa bansa. Iba na daw kasi ang mga isinusumbong ng pitong taong gulang nilang anak sa kaniya tuwing nagkakausap sila sa telepono.
Ayon kay “Ana,†isinasama siya ng kaniyang tatay sa inuman. Pinaghahawak din umano siya ng baril at minsan nakikita pa silang nagpapaputok nito.
Dahil dito, kasama ang DSWD Imus, Cavite, PNP at BITAG, kilos-prontong isinagawa ang isang rescue operations.
Nadatnan ng grupo ng BITAG at mga awtoridad si Norman sa bahay nito, malakas ang tugtugan, may hinihimas na baril habang masayang nakikipag-inuman sa mga barkada.
• • • • • •
Panoorin ang advance screening ng “Imus Rescue†mamayang alas-6:00 ng gabi sa-bitagtheoriginal.com. Magkomento, sa pamamagitan ng bitagtheoriginal.com click “Bitag New Generation.â€
- Latest