Uok (174)
“A NG alam ko, may pagkabakla ang kaÂpatid ko. Iyon ang dahilan kaya wala siyang ginawa kay ‘Uok’ at kay LuningÂning. Mahina ang loob niya at malambot ang damdamin. Kaya nga kung nakita ko si ‘Uok’ nang araw ding iyon, baka natadtad ko siya. Hindi ako magsisisi kung napatay ko ang ‘Uok’ na ‘yun. Napakasama niyang kaibigan. Ang alam ko, mga nasa elementary pa lamang sila ng kapatid kong si Renato ay magkaibigan na sila. Bakit niya nagawang iputan sa ulo si Renato?’’ galit na tanong ni Tiyo Iluminado. Namumula na ang mga pisngi dahil sa imported na alak.
“Tiyo, tinukso lang daw po siya. Umiwas nga raw po siya pero nagtagumpay din si Luningning. Hindi raw po sana nangyari iyon kundi sa panunukso at pagpapakita ng motibo ni Luningning.’’
“Hindi ako naniniwala!’’
“Nagsasabi po siya ng totoo, Tiyo Iluminado.’’
“Naniniwala ka sa kanya, Drew?’’
“Opo. Nakita ko po sa ekspresyon niya ang pagsasabi ng totoo. Hindi po siya nagsimula nang lahat kundi si Luningning.’’
“Hindi ba siya nakaÂiwas? Puwede naman siyang umiwas?â€
“Tulog daw po siya dahil sa kalasingan at nang maÂgising, may ginagawa na sa kanya si Luningning.’’
Napabuntunhininga si Tiyo Iluminado.
“Gusto po ni ‘Uok’ makipagkaibigan sa’yo.’’
Napabuntunghininga uli. Pagkaraan ng ilang segundo ay nagsalita.
“Pag-iisipan ko. Bahala na.’’
“Ang isa rin pong misteryo ay kung paano namatay si Luningning. Pinatay po ba talaga si Luningning o nagpakamatay?’’
Namutla si Tiyo Iluminado. Hindi makapagsalita.
“Nakita raw po na may pasa sa batok si LuningÂning. Ibig sabihin, pinalo siya saka itinapon sa ilog.’’
Tahimik si Tiyo IluÂminado.
(Itutuloy)
- Latest



















