Limang paraan na magandang malaman
LIMANG paraan para magmukhang mas bata ng 10 taon: 1) Gandahan at laging linisin ang iyong kilay dahil ang kilay ang humuhubog ng hugis ng mukha; 2) Kumain nang maraming ubas dahil maganda ito sa balat; 3) Ngumiti nang mas maganda at mas malaki mas magmumukha kang bata; 4) Mula sa cleanse-tone-moisturize ay mag-cleanse at moisturize ka na lang. Iwasan ang sabon at ang astringent dahil nakakatuyo ito ng balat; 5) Mag-ehersisyo. Sisigla, lalakas at sasarap ang tulog!
Limang paraan upang kumalma ang isip bago matulog: 1) Mag-schedule ng worry-time. Minsan sa kaabalahan natin, ang nalalabing oras lamang para isipin ang mga bagay na personal ay habang nakahiga na at bago matulog. Hindi ito maganda dahil madadala mo ang iyong mga problema sa pagtulog. Magtakda ng oras sa gabi, pero hindi bago matulog. Marahil matapos maghapunan kung saan tapos mo na ang iyong trabaho at kakaunting task na lang ang kailangan mo pang gawin; 2) Isulat ang mga concerns o problema mo. Gumawa ng table kung saan maitatala mo ang mga solusyon sa iyong problema. Kapag isinusulat kasi para bang nagiging organized ang iyong thoughts. Mas madaling iproseso kapag may oras ka. Magandang release din ang pagsusulat; 3) Lumipat ng kuwarto kung may inaalala ka. Huwag humiga sa iyong kamang tulugan ng mahigit sa 15 minuto ng pag-iisip ng iyong mga problema. Madadala mo ito sa iyong pagtulog. Bumalik ka na lamang kapag antok ka na. Ang kama mo ay dapat pampahinga lamang; 4) Think happy thoughts. Kapag alam mo na at tapos mo ng isipin ang mga bagay na pinuproblema mo, panahon na para mag-isip naman ng mga magagandang bagay o mga nakakaantok na imahe para makatulog ka ng mahimbing at pawang magaganda lamang ang maisama mo sa iyong pagtulog. Naniniwala kasi akong may mga panaginip tayo na pawang bunsod lamang ng mga araw-araw nating pinagdaraanan; 5) Huwag mong isipin ang pinakamasamang bahagi ng araw mo. Talagang pangit ang magiging tulog mo kung ang huli mong inisip ay mabigat o masama.
Limang dahilan kung bakit dapat ay may musika ang buhay mo. Hindi lamang sa nakakasaya at nakakaganda ng mood ang pakikinig sa music. Kundi maging ang ating katawan at kalusugan ay nakikinabang din dito. 1) Nakakakalma at hindi ka masÂyadong madaling mag-panic. Maging ang mga ugat mo ay nare-relax; 2) Nakaka-focus ka; 3) Nakakaligaya ang group singing. Hindi ba’t ang saya-saya kapag nagvi-videoke kasama ang mga kaibigan; 4) Mainam sa pagpapatalas ng isip ang pagtugtog ng musical instruments; 5) Nakakapagpa-mellow ng init ng ulo sa trapiko.
- Latest


















