^

Punto Mo

EDITORYAL - Ang baha at leptospirosis

Pang-masa

A YON sa PAGASA, sa ikalawang linggo ng Hunyo ay maaaring pumasok na ang tag-ulan. At kapag narinig ang tag-ulan, ibig sabihin ay may pagbaha. At isa sa mga sakit na nakukuha sa baha ay ang leptospirosis. Galing sa ihi ng daga ang leptospirosis. Taglay nito ang mikrobyong leptospira. Kapag umulan at bumaha, tiyak na aagos ang ihi ng daga at maraming buhay ang manganganib. Kapag may sugat sa binti at paa ang sinumang lumusong sa baha na kontaminado ng ihi ng daga, papasok dito ang mikrobiyong leptospira at pagkaraan ng pitong araw, lalagnatin, mahihirapang umihi, maninilaw ang balat at mamumula ang mga mata ng biktima. Kapag hindi agad nadala sa doctor ang biktima, maaari siyang mamatay.

Marumi ang Metro Manila. At kung saan marumi, naroon ang mga daga. Maraming lungsod at bayan sa Metro Manila ang hindi pa rin maayos ang pagtatapon ng basura. Maraming residente ang walang disiplina sa pagtatapon ng kanilang basura at sa mga basurang ito nabubuhay ang mga daga. Kapag kumagat ang dilim, naglalabasan sa kanilang lungga ang mga daga at maghahanap ng pagkain sa mga nagkalat na basura. Maraming nagtatapon ng kanilang tirang pagkain sa mga imburnal, kanal at estero at ito ang paborito ng mga daga.

Napakaraming daga ngayon at lalo pang duma­dami sapagkat patuloy sa pagdumi ang Metro Manila. Marami ang hindi natututo sa maayos na pagtatapon ng basura. Tapon lang nang tapon at tambak na lang nang tambak kung saan-saan. Pati mga imburnal, barado sa basura.

Ang tanging solusyon para maiwasan ang leptospirosis ay ang pagtutulung-tulong para malipol ang mga daga. Panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga. At wala ring baha dahil walang basura na magbabara.

 

BASURA

DAGA

KAPAG

MARAMI

MARAMING

MARUMI

METRO MANILA

NAPAKARAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with