^

Punto Mo

Life Tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Huwag sabihan ang isang tao na mali ang kanyang opinyon o ideya kung walang kasamang paliwanag kung bakit sinabi mong mali siya o kaya ay wala kang maibibigay na “alternate solution” sa kanya.

Kung sinusumpong ng migraine, magluto ng spinach at iyon ang iulam maghapon. Magnesium ang nakakagaling ng migraine at mayaman nito ang spinach.

Magmumukhang mahaba ang iyong isinulat na essay  kung ang lahat ng period ay dadagdagan mo ang font size--gawing 14 mula sa dating12 font. Halimbawa, ang 3 pages ay magiging 4 pages.

Mas mabilis kumain, mas mabilis magdagdag ng timbang. Sa isang ginawang pag-aaral, ang taong mabilis kumain ay nadagdagan ang timbang ng 4.2 pounds sa loob ng 8 months samantalang ang mabagal kumain ay nadagdagan lang 1.5 pounds.

Kapag sinisipon, nakakatanggal ng bara ng ilong ang “hot shower”.

Ang pag-iisip ng isang “positive thought” tuwing umaga ay magandang “trick” upang mabuo sa iyong utak  na ikaw ay masaya sa iyong buhay.

Kapag ang nabili mong shirt ay umurong ang size pagkatapos labhan, ibabad ito sa iced water na may one cup na hair conditioner. Kapag wala nang lamig, saka banlawan. Babalik ito sa normal size.

Sa public bathroom, ang pinakamalinis ay ang stall na malapit sa pintuan dahil ito ang iniiwasang gamitin ng mga tao. Pero dahil isinulat ko na ang sekreto, baka ito na ang stall na laging pasukin.

 

BABALIK

HALIMBAWA

IYONG

KAPAG

KUMAIN

MABILIS

MAGMUMUKHANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with