^

Punto Mo

Batas sa drunk driving, walang ngipin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ISANG dahilan nang maraming aksidente  sa daan ay ang drunk driving. Sangkaterbang karatula ang nagkalat sa mga lansangan na nagsasaad na “If you drive, don’t drink o if you drink don’t drive”.

Sa atin ang pagmamaneho nang lasing ay matagal nang ipinagbabawal bagama’t hindi  malinaw pa kung papaano ito ipatutupad.

Kumplikado ika nga, halimbawa,  papaano sasabihing lasing ang isang nagmamaneho. Gaano karaming content ng alcohol o alak ang kailangan para maituring na lasing ang isang nagmamaneho. At paano ito masusukat, kailan at saan dapat ang pagsukat.

Sa nangyayari ngayon, hindi pa lubos na ipinapatupad ang Implementing Rules and Re­gulations sa  batas ng Anti- Drunk Driving Act. 

Maging ang DOTC/LTO ay mukhang andap pa sa pagpapatupad nito, maging sila ay hindi alam kung paano ito sisimulan,  ayon kay Automotive Association of the Philippines (AAP) President Gus Lagman.

Kaya hindi ito tuluyang maramdaman.

Eto nga kaliwa’t kanan ang nahuhuling lasing na nagmamaneho pero, ayun hanggang sita lamang at sa hindi malamang dahilan ay tila wala pang napaparusahan.

Ang siste pa rito, marami ang kasong naareglo ng bawa’t  sangkot na partido sa insidente.

Mga taga-DOTC at LTO, dapat higpitan at tuluyang sapat na maparusahan ang nagmamaneho nang lasing. Huwag nang hayaang mahirati sa kalye ang mga lasing na driver.

Huwag na rin tayong maghintay ng malagim na namang insidente sa lansangan saka na naman matutuliro sa pag-aksyon.

AUTOMOTIVE ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DRIVING ACT

ETO

GAANO

HUWAG

IMPLEMENTING RULES AND RE

KAYA

PRESIDENT GUS LAGMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with