Uok (163)
“PILIT akong pinipigil ni Luningning sa pag-alis. Pero ayaw ko na. Nakokonsensiya ako. Awang-awa ako kay Renato. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko siyang pagtaksilan.
“Mabilis akong nakalabas ng bahay at mabilis na naglakad. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako patutungo ng oras na iyon. Sa sobrang pagkabigla, ay parang nawalan ng laman ang ulo ko. Lakad ako nang lakad. Hindi ako tumitingin sa mga nakakasalubong ko. Nahihiya ako kahit naman hindi nila alam ang nangyari. PakiÂramdam ko, minumura ako ng mga nakakasalubong ko. Para bang sinasaÂbi nila na ‘masama akong kaibigan’, ‘kaibigang putik’, ‘kaibigang Hudas’ at kung anu-ano pang masasamang tawag.
“Binilisan ko ang pagla-lakad. Hindi ko alam kung saan ako hahantong. Hindi ko alam ang gagawin. Habang naglalakad siÂnisisi ko ang sarili. Hindi ako dapat nagÂpatukso kay Luningning. Dapat ang ginawa ko, isinumbong ko si Luning-ning kay Renato. Dapat noong una pa lamang, sinabi ko na ang ginagawang panunukso ni Lu-ningning. Pero hindi ko ginawa dahil gusÂto ko rin ang ginagawa ni Luning-ning. Gusto ko ring tikman ang inaalok niyang ‘kapirasong laman’. At dahil sa ‘kapirasong laman’ na iyon kaya nasira ang pagkakaibigan nila ni Renato.
‘‘Nasaan na kaya si Renato? Biglang umalis makaraang mahuli kami ni Luningning. Ang alam ko, umalis ng bahay. Narinig ko ang ingay sa gate nang umalis siya. Baka nasa kaÂpatid niyang si Iluminado. Baka nagsusumbong. Baka ipinagtapat ang ginawang pagtataksil ng kaibigan.
“Binilisan ko pa ang paglalakad. Hindi ako luÂmilingon at hindi rin tumitingin sa mga kasalubong.
“Hanggang sa mata-naw ko ang Ilog ng Pola. Malalim ang Ilog ng Pola. Tumigil ako sa paglalaÂkad.†(Itutuloy)
- Latest