^

Punto Mo

‘UDMC Comatose’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

OSPITAL ang takbuhan ng mga may sakit at nararatay sa karamdaman.

 Sa pananalig sa Maykapal at sa tulong na rin ng mga dalubhasa sa medisina, naniniwala silang malaki ang tsansang gagaling sila sa kanilang sakit.

 Subalit, papaano kung sa halip na gumaling ang isang pasyente sa mismong pinagdalhan sa kaniyang pagamutan ay lalo pa yatang mapapadali ang kaniyang buhay?

 Ano ang pakiramdam ng isang salat na magulang na tinapat na ng doktor na maghintay nalang ng milagro sa langit kung gagaling pa ang kaniyang anak?

 Si Jon-jon, biktima umano ng kapabayaan ng mga nag-asisteng doktor at nars sa United Doctors Medical Center (UDMC).

 Ayon sa inang si Aling Lily, dinala niya sa ospital ang 32-anyos na anak dahil sa simpleng pananakit ng tagiliran.

 Matapos isailalim sa mga eksaminasyon si Jon-jon, natukoy na may sakit siya sa baga at kinakailangang makabitan agad ng tubo para matanggal ang tubig dito.

 Pero makalipas ang ilang araw na pananatili sa intensive care unit (ICU) ng UDMC, laking gulat ng pamilya ni Jon-jon dahil lalo lang umanong lumala ang lagay ng binata. Lantang gulay na ito o estadong comatose na.

 Ngayon, sinasabi ng pamunuan ng UDMC sa pamilya ni Jon-jon na alagaan nalang sa bahay ang pasyente at maghintay ng himala.

 Alamin ang ginawang aksyon ng BITAG sa kaso ng pobreng pasyenteng si Jon-jon.

 Panoorin ang advance screening ng “UDMC Comatose” mamayang alas-8:00 ng gabi sabitagtheoriginal.com. Magkomento, sa pamamagitan ng bitagtheoriginal.com click â€œBitag New Generation.”

vuukle comment

ALAMIN

ALING LILY

ANO

AYON

BITAG NEW GENERATION

JON

LANTANG

SI JON

UNITED DOCTORS MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with