Uok (161)
“AKALA ko nananaÂginip lamang ako. Hindi ako kumikilos sa pagkakahiga. Masarap ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ang sarap na iyon. Kakaiba sa mga naranasan ko na. Siguro nga’y panaginip lamang ang lahat kaya hindi ako kumikilos. Ninamnam ko ang sarap. Nakapikit ako habang nilalasap ang sarap.
“Hanggang sa biglang tumigil ang aking pananaginip. Nawala ang nilalasap kong kakaibang sarap.
“Hanggang sa magmulat ako. Hindi ako nananaginip lamang! Totoo ang aking nalasap na sarap. Totoong nangyari. Kaya pala!
“At nakita ko kung sino ang gumawa niyon. Si Luningning! Mula sa pagkakaduhapang ay tumayo si Luningning. Nasapol ko ng tingin ang kabuuan niya. Hubad si Luningning. Parang diyosa siya nang nakatayo at nakatingin sa akin. Walang imik. Nakangiti lamang. Parang pinagmamalaki ang ginawa niyang pagduhapang sa akin.
“Tinawag ko siya pero tumingin lamang sa akin. Muling ngumiti. Hanggang sa humakbang siya at sumampa sa kinahihigaan kong kama. Tumabi sa akin at hinanap ng kanyang labi ang aking labi.
“Hindi ako makakilos sa ginawa niyang paghalik sa aking labi. Napaka-nipis ng mga labi ni Luningning. Idiniin pa niya hanggang sa unti-unting magliyab ang aking katawan. Napakahusay ni Luningning na magpaliyab ng damdamin. Eksperto siya.
“Habang magkadikit ang aming mga labi ay bigÂla kong naalala si Renato. Kawawa naman ang kaibigan kong si Renato. Dudu-ngisan ko ba ang aming pagkakaibigan? Hindi maaatim ng konsensiya ko na sirain ang aming pinagsamahan. Hindi ko kaya!
“Pero nang tatanggi ako, lalo pang diniin ni Luning-ning ang mamasa-masang labi. Napakabango ng hiniÂnga ni Luningning. Nakakalasing si Luningning. At wala akong magawa kundi magpaubaya.
“Hanggang sa bumitaw ang labi ni Luningning at binalingang muli ang nilaro niya kanina. Doon nag-concentrate. Pinagbuti. Sinikap na masisiyahan ako. Hanggang sa malasap ko ang sarap na nadama na kanina. Sapat iyon para malimutan ko ang pagkakaibigan namin ni Renato.†(Itutuloy)
- Latest