^

Punto Mo

EDITORYAL - Sapat na kaya ang classrooms?

Pang-masa

DALAWANG linggo na lamang at umpisa na ng school year 2014-2015. Kahapon, umarangkada na ang “Brigada Eskwela” na ang layunin ay linisin ang mga pampublikong paaralan at masiguro rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) ang sinuman na tumulong para sa pagkukumpuni ng mga sirang silya, mesa at ibang gamit sa school. Tatagal ang “Brigada Eskwela” hanggang Mayo 24. Inaasahang matatapos ang paglilinis at paghahanda sa mga paaralan sa loob ng dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 2.

Sa mga nakaraang pagbubukas ng school year, ang numero unong problema ay ang kakulangan sa mga silid-aralan. Hindi na nagkaroon ng balita na hindi kinapos ang mga silid-aralan. Laging nababalita na dahil sa kakulangan ng classrooms, napipilitang sa ilalim ng punongkahoy nagkakla­se ang mga estudyante. Mayroon namang sa lobby mismo ng school ay nakalupagi sa maruming semento ang mga estudyante. Mayroon namang ang comfort room ay ginawa na ring classroom dahil sa kakulangan. At mayroong siksikan sa isang classroom (nasa 50 umanong estudyante) at halos magkapalitan na ng mukha. Mayroon pang pangyayari na pinagsasama na ang dalawang grado (halimbawa’y Grade 1 at Grade 2) para mapagkasya sa isang classroom.

Ngayong school year kaya ay maulit ang dating problema? Sabi ng DepEd, sapat na ang classrooms at hindi na magkakaroon ng kakulangan. Nakahanda na umano ang mga classroom sa pagdagsa ng mga estudyante sa Hunyo 2.

Sana, totoo ito at hindi drowing lamang. Kawawa naman ang mga estudyante kung parang sardinas sa rami sa isang classroom. Nakakaawa rin kung sa loob ng comfort room magdadaos ng klase.

 

BRIGADA ESKWELA

DEPARTMENT OF EDUCATION

HINIHIKAYAT

HUNYO

INAASAHANG

KAHAPON

KAWAWA

MAYROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with