^

Punto Mo

Happiness project (2)

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

KARUGTONG nang lumabas noong Biyernes:

4. Sa pagiging magulang: 

•  Kumanta sa umaga - hindi ba’t kapag may naririnig kang humuhuni o kumakanta sa umaga, kahit acapella o sumi-sing-along sa radyo, di ba nakakasaya? Lalo na kung ikaw ang kumakanta. Magandang pambungad ito sa umaga. Positibo kaagad ang enerhiya. 

• Kilalanin ang realidad ng mga nararamdaman  ng mga tao - bilang magulang, may tendency tayo na isaisip na tayo ang laging tama, at ang mga anak ay mali dahil mas marami tayong karanasan kaysa sa kanila at sila ay pawang nag-eexplore pa lamang ng mundo. Hindi makakatulong kung lagi nating sasabihin ang mga salitang no/hindi o stop/itigil mo iyan dahil hindi sila nakaka-motivate. Minsan din puro tayo dakdak, ng hindi iniisip ano kaya talaga ang nararamdaman ng anak ko? Matutong irespeto ang feelings ng mga tao, lalo na ng mga kasama natin sa bahay. Walang tama at maling pakiramdam. 

• Mag-imbak ng masasayang alaala - hindi bat lahat tayo ay gustong puro magaganda at masasayang alaala lang ang babalikan? Bilang magulang, trabaho nating siguruhing sa pagtanda ng ating mga anak ay lilingunin nila ang kabataan na may mga ngiti sa labi dahil sa malilinaw na masasayang gawain at karanasan noong sila ay maliliit pa. Paglaanan ng oras ang paggawa ng mga proyekto - kahit pa hindi ka mahilig sa arts and crafts, kaya mo pa ring gumawa ng project - kahit simpleng photo album lang. Basta isang output na maaaring hawakan, tingnan na nagtataglay ng mga litrato at iba pang mga bagay na makakapagpaalala sa mga okasyon at partikular na kaganapan sa buhay ninyo.

5. Paglaanan ng panahon ang iyong leisure life and activities - mga gawain o bagay na ginagawa mo dahil gusto mo, hindi dahil kailangan mo para sa trabaho o para sa pera - mga free-time activities mo. 

                - Find more fun - be yourself at hanapin mo ang mga bagay na nakakapagpaligaya sa iyo. Hindi ito kailangang kumporme sa mga gusto ng nasa paligid mo. Kung ang nakakapaligaya sa iyo ay ang pagpipinta at pagbisita sa mga gallery at art exhibits, gawin ito. 

                - Take time to be silly - huwag tayong masyadong seryoso. Okay lang din tumawa, magpatawa at maging katawa-tawa. 

                - Go off the path - Maging adventurous. Huwag matakot magexplore, maglakbay at mangilala ng mga bagong tao, kultura atbp. Maging bukas sa paglalakbay ng mag-isa, o ng hindi paggamit ng kotse at mga gadgets. Ipush ang sarili na lumabas sa iyong comfort zone, sa mga bagay na kumportable ka para makatuklas ng panibagong lebel ng kaligayahan. 

                - Start a collection - noong bata ako nangongolekta ako ng kahit anong Pikachu na Pokemon. Naaalala kong ang saya-saya ko noon. Alagang alaga ko ang aking collection na para silang mga anak ko. Nakaka-excite kapag nakakakita ako ng mga bagong bagay na wala pa ako at na maaari kong idagdag sa aking lumalagong koleksyon. Ang kagandahan sa koleksyon, binibigyan ka nito ng rason na maghanap, maglakbay para makahanap, nagbibigay ito ng misyon sa iyo. May kakaibang excitement sa iyong pagtuklas.

 

ALAGANG

BILANG

BIYERNES

HUWAG

IPUSH

KILALANIN

PAGLAANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with