^

Punto Mo

Napoles list, alin ang totoo?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Imbes na luminaw, eh lalu yatang lumalabo at gumugulo ngayon ang Napoles list.

Litung-lito ang taumbayan dahil habang tumatakbo ang araw, eh parami nang parami ang nagsasabing may hawak silang listahan ng mga politiko o government officials na sangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.

At eto pa ang lalung nagpagulo, iba-iba ang may hawak ng listahan, at sa mga listahang yan mukhang lumalabas na iba-iba ang mga pangalang nakalagay.

Kung meron mang magkakapareho, bakit meron ding sa isa ay nandoon at isa eh wala.

Hindi naman kaya diversionary tactics ito, para talagang lituhin  ang taumbayan.

Sinu ang sino at alin ang totoo?

Ito ngayon ang tanong ng maraming mamamayan na  hilung-hilo sa mga naglulutangang pangalan.

Gayunman, iisa ang gusto ng taumbayan ang lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga taong sangkot, ke-maliit o malaki man ang perang sangkot dapat na mapanagot.

Aba’y talagang ngitngit na ngitngit ang mga mamamayan dahil nga naman sa kanila ga­ling ang ganitong kalaking halaga na ngayon ay napasakamay lang pala at pinagsamantalahan ng iilan.

Hindi nag maka-move on ang marami kapag pork barrel­  scam ang pinag-uusapan. Tutok­ ang lahat.

Kaya nga hindi dapat magpatumpik-tumpik dito, hindi na kailangan ang takipan, ilabas na ang lahat kung may katunayan at baka mainip si Juan dela Cruz at sila na mismo ang humusga sa isyung ito.

CRUZ

GAYUNMAN

IMBES

KAYA

LITUNG

NAPOLES

SINU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with