100 Paraan Para Makatulog (5)
76. Ang pagsakit ng ulo sa araw ay nakakaapekto sa pagtulog sa gabi. Araw pa lang ay ipamasahe na ang ulo. Pagkatapos ay lagyan ng ice pack ang parteng masakit.
77. Kumbinsihin ang partner na humihilik na tumagilid habang natutulog. Nakakapagpahinto ito ng paghihilik. Ang hilik ay kasing-ingay ng tunog ng umiikot na blender.
78. Kung ikaw mismo ang humihilik, chances are, naririnig mo at nagigising ka rin sa sarili mong ingay. Tumagilid ka habang natutulog.
79. Iwasang matulog nang nakataob. Dulot nito’y masakit na likod at nangangalay na leeg.
80. Uminom ng isang basong tonic water or carbonated water bago matulog para hindi ka pulikatin (leg cramps).
81. Magsuot ng maluwang na pajama or cotton shorts para hindi pulikatin.
82. Mag-stick sa iyong regular daily routine—tulog, gising, kain, trabaho. Bihirang magkaproblema sa pagtulog ang mga taong may schedule sa lahat ng bagay.
83. Kung napuyat ng nagdaang gabi, umidlip ng 15 minuto kapag lunch break.
84. Kung iidlip, dapat ay sa araw. Huwag 3 PM pataas dahil siguradong hindi ka na dadalawin ng antok sa gabi.
85. Walong oras ang tamang bilang ng pagtulog sa gabi.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending