Uok (146)
“HINDI pa rin ako makatiis na hindi makahanap ng balita ukol kay Osang kahit na delikado. Kahit na sinabi sa akin ng buko pie vendor na huwag ko nang alamin pa ang tungkol sa babaing nawala sa sarili, hindi pa rin ako tumigil. Gusto ko kasing malaman ang lahat nang nangyari at kung ang sanggol na pinalaglag ay anak ko. Basta nananaig sa akin ang pagnanais na makahukay pa nang mas malalim sa mga nangyari kay Osang. Kasi’y hindi siya mawawala sa sarili kung hindi mabigat ang mga nangyari…’’ sabi ni Basil na naging seryoso ang tinig.
“Nagbalik ka po sa lugar na kinakitaan mo kay Osang?†tanong ni Drew na sabik ding malaman ang tunay na nangyari.
“Oo. Makalipas ang isang buwan, nagbalik ako sa lugar. Bahala na kung ano ang mangyari. Sa bus terminal ako naghintay. Bakasakali makita ko uli si Osang at hindi ko hihiwalayan hangga’t hindi ko nalalaman ang buong pangyayari. Siguro naman kapag nakita ako ni Osang ay bakasakaling manauli ang kanyang katinuan.
“Pero inabot na ako ng kalahating araw sa paghiÂhintay sa terminal ay hindi ko nakita si Osang. Nainip na ako. Baka hindi na rito gumagala si Osang.
“Ang hinanap ko ay ang buko pie vendor na nakakuwentuhan ko noon. Pero maski ang vendor ay wala. Sa isang buko pie vendor uli ako nagtanong. Tinanong ko kung kilala niya ang isang babaing wala sa sarili na nagngangalang Osang.
“Nag-isip ang vendor. Hanggang sa mapatangu-tangoÂ. Meron daw. Pero patay na. Natagpuan daw sa ilog. Hinala ay tinulak mula sa tulay. At ang suspek ay ang asawa nito…
“Tinanong ko kung nasaan na ang asawa ni Osang. Bigla raw nawala makaraang matagpuan ang bangkay ni Osang.’’
(Itutuloy)
- Latest