^

Punto Mo

Mga tunay na kuwento ng Karma

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang Bonggang Kasalan

SIYA ang poging groom na nakatakdang ikasal nang araw na iyon. Dapat sana ay masaya siya ngunit kabaliktaran ang na­dadama niya—lungkot at galit. Inayos niya ang sarili. Naghihintay ang kanyang mahal na bride sa Clemson University kung saan gaganapin ang marangyang kasalan. Hindi dapat siya ma-late. Nag-loan siya sa banko para gastusin sa kasalan ngunit na-delayed ang bank approval kaya pumayag ang nobya na kanya munang credit card ang gagamitin sa lahat ng gastusin, mula wedding reception hanggang plane ticket para sa honeymoon.

Masaya ang naging kasalan kaya bilang pasasalamat ng groom sa mga bisita ay may ini-announce siya:

“Mga kaibigan maraming salamat sa inyong pagdalo sa aming pag-iisang dibdib. Bilang pagtanaw ng utang na loob, mayroon akong sorpresa sa inyo. Sa ilalim ng inyong mga upuan­ ay may nakadikit diyan na envelope. Maaari na ninyong tanggalin ito at buksan.”

Dali-daling binuksan ng mga bisita ang envelope. Gumuhit ang matinding pagkagulat sa mukha ng lahat ng bisita. Ito ay isang litrato kung saan magkapatong at nagtatalik sa ibabaw ng kama ang bride at ang best man. Ilang buwan bago ang kasalan, nakahalata na ang groom na may namamagitang “something” sa kanyang nobya at best friend na kinuha niyang best man. Kumuha siya ng secret agent para pasubaybayan ang kanyang nobya at bestfriend. At iyon nga ang bumulagang katotohanan sa kanya: kinakabit ng kanyang bestfriend ang kanyang nobya. Ang mga walanghiya!

Drama lang niya na hindi pa naaaprubahan ang kanyang loan sa banko. Hinayaan niyang ang nobya ang magbayad ng lahat ng gastusin sa kasalanan. Gusto niyang makaganti. Bukod pa rito ang panghihiya niya sa mga ito sa pamamagitan ng pagkalat ng malaswang picture ng pagta­talik. Nagsalita ulit ang groom sa microphone. Hinarap niya ang kanyang nobya at best man.

“Sinorpresa kasi ninyo ako, nakakahiya naman sa inyong dalawa kung hindi ko kayo gagantihan ng isa rin sorpresa. Sorry Honey, sosolohin mo ang pagbabayad ng mahigit na $100,000 dahil bukas na bukas din ay aasikasuhin ko ang diborsiyo nating dalawa.”  

 

ANG BONGGANG KASALAN

BILANG

BUKOD

CLEMSON UNIVERSITY

DAPAT

GUMUHIT

HINARAP

KANYANG

SORRY HONEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with