^

Punto Mo

Popularidad vs integridad at abilidad

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SANA naman ay matuto na ang mga Pilipino sa 2016 elections kung saan muling maghahalal ng bagong presidente, bise presidente at mga senador.

Nakapangangamba na baka balik na naman sa dating gawi ang mga botante na boboto dahil lamang sa popularidad ng isang kandidato kaysa sa may integridad na hindi nasangkot sa anumang akusasyon ng katiwalian. At siyempre bukod sa integridad, kailangan din ng abilidad na lubhang kailangan upang solusyunan ang sangkaterbang problema ng bansa.

Natawag ang aking pansin sa usaping ito dahil sa lumabas na survey ng Pulse Asia na si Vice President Jejomar Binay ang mananalong presidente kung idadaos ngayon ang election.

Malinaw na labanan na naman ng popularidad ang mangyayari sa mga sasabak sa 2016 presidential elections at paramihan ng pondo sa kampanya. Kung ito muli ang mangyayari, huwag na tayong umasa na uunlad pa ang ating bansa.

Ang dating sistema na kapag ang apelyido ng kandidato ay mula sa mga kilalang pamilya sa pulitika, traditional politician, showbiz industry o sports ay may malaking tsansa na manalo sa eleksyon. Ang kanilang puhunan ay popularidad na kinakagat ng mga botante.

Maraming Pilipino na talagang may kakayahan na maglingkod sa bayan dahil sa integridad at abilidad pero ang kulang ay pondo sa kampanya at hindi gaanong popular kaya hindi tinatangkilik ng mga botante.

Sa mga dati at kasalukuyang nakapuwesto sa gobyerno, mayroon kayang gumawa at tutularan ang  pagbibitiw at pag­hingi pa ng tawad ni South Korean Prime Minister Chung Hon-Won dahil sa paglubog ng ferry dahil mabagal ang pagresponde ng mga otoridad?

Kabaliktaran sa Pilipinas dahil libo na ang namatay sa pag­lubog ng barko dito, partikular ang mga barko ng Sulpicio Lines pero wala ni isa man ang nagbitiw sa puwesto o umako ng responsibilidad .

Kung tutuusin, hindi naman kailangang magbitiw ang PM ng South Korea dahil hindi naman siya direktang sangkot sa Department of Transportation o sa rescue operations subalit nangibabaw ang integridad niya sa tungkulin at balewala ang puwesto sa gobyerno.

Dito sa Pilipinas ay mayroon nang matibay na ebidensiya tulad sa mga kinasasangkutang anomalya sa pondo ay lalo pang kumakapit sa puwesto sa halip na boluntaryong magbitiw sa ngalan ng delikadesa.

Kaya naman walang duda na patuloy ang pag-unlad ng South Korea at iba pang bansa dahil ang kanilang mga lider ay may delikadesa at integridad. Ito sana ang pag-isipang mabuti ngayon pa lamang ng ating mga botante dahil nalalapit na ang 2016 electrions.

 

DAHIL

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

MARAMING PILIPINO

PILIPINAS

PULSE ASIA

SOUTH KOREA

SOUTH KOREAN PRIME MINISTER CHUNG HON-WON

SULPICIO LINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with