^

Punto Mo

Diagram ni Santiago

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report! May malakasang mahjong session ang mga matatandang Intsik sa 4th floor ng Prudence Mansion sa Chinatown district sa Fernandez St., Binondo, Manila.  Wala namang masama dahil nagpapalipas lang ng oras ang mga Intsik, kaya lang bukambibig ng operator nito na si Lito Go ang pangalan ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria para makaiwas sa lingguhang intelihensiya. Para sa mga bataan ni Valmoria, ang puwesto ni Go ay nasa Unit-A ng naturang building at kulay maroon ang pinto.

* * *

Hindi malaman ng negosyanteng si Reynaldo “Kojie” Muli Jr., kung tatalon siya sa tuwa o maaawa matapos mabatid na namatay sa ambush ang kaibigang si Chief Insp. Elmer Santiago. Naging close friends kasi sina Muli at Santiago sa maikling panahon na nagsama sila sa Bataan. Subalit nang isama ni Santiago ang pangalan ni Muli sa kanyang diagram, napalitan ng pagkamuhi ang damdamin niya sa una. Kung anu-anong pangungutya ang tinanggap ni Muli mula sa mga kamag-anak sa abroad, sa kanyang nanay at miyembro ng pamilya dahil sa diagram, kung saan inakusahan ni Santiago ang 33 pulis at 12 sibilyan na sangkot sa operation ng droga at cybersex crime operations sa Bataan. Si Muli ang nasa likod ng sawmill at trucking business sa Dinalupihan at ni minsan, hindi man lang nakahawak ng droga. Hindi malaman ni Muli kung ano ang gagawin para maalis ang pangalan niya sa diagram ni Santiago para bumalik sa normal ang kanyang buhay at pamilya. Mismo!

Nagkakilala sina Muli at Santiago noong hepe pa ang huli na pulisya ng Orani noong nakaraang taon. Hinuli kasi ni Santiago ang isang truck ni Muli na may kargang kahoy. Ayon kay Muli, humingi si Santiago sa kanya ng dalawang narra na dining table, at isa raw dito ay pangregalo niya kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima. Ang pag-uusap nila ay naging daan para maging malapit silang magkaibigan hanggang sa malipat si Santiago bilang OIC ng intelligence branch ng Bataan police provincial office. Hehehe! Sayang at nagkalayo sila, di ba mga kosa?

Kung si Muli ang tatanungin, masipag si Santiago sa pagpuksa ng droga sa kanilang lugar. Halos tatlong beses itong mag-operate kada araw at maraming nahuhuling drug peddler o durugista. Dahil galit din siya sa droga, minabuti ni Muli na suportahan si Santiago. Kaya ang 14 hectares na sawmill niya ay ginamit ni Santiago at mga bataan nito na lugar kung saan pinaplano nila ang mga lakad.

At dahil magkaibigan na nga sila ni Santiago, maraming beses silang lumabas para kumain ng dinner, kasama ang kani-kanilang pamilya at ang una pa ang nagbabayad ng bill nila. Maganda na sana ang relasyon nila hanggang mabalitaan niya noong nakaraang Oktubre na andun ang pangalan niya sa diagram ni Santiago na isinabmit kay Purisima. Inulan ng tawag si Muli sa mga kamag-anak sa abroad at maging sa bansa, at binubuska kung ba’’t nasangkot ang pangalan niya sa droga! Abangan

ALAN PURISIMA

CARMELO VALMORIA

CHIEF INSP

ELMER SANTIAGO

FERNANDEZ ST.

INTSIK

KUNG

MULI

SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with