Mga Tunay na Kuwento ng Karma
Ang Magnanakaw ng STOP sign
Karamihan sa street intersection ng Norwalk Ohio USA ay walang traffic light at sa halip ay STOP sign. Ang rule dito, hihinto ang driver kapag may stop sign sa mga intersection. Kapag nagkasabay-sabay na huminto, ang sasakyang nasa kanan ng driver ang pauunahing tumawid.
May isang teen-ager na ang naging hobby ay nakawin ang lahat ng makitang stop sign sa kanilang lugar sa Norwalk. Binabaklas niya ang stop sign gaano man katibay ito sa pagkakadikit sa mga bakal. Wala naman siyang ginagawa kundi idispley ang lahat ng kanyang ninakaw sa kanyang bedroom.
Minsan ay may namataan na naman siyang Stop sign sa kanyang dinaanan habang minamaneho niya ang kanyang Ford F-150. Gabi na noon kaya walang nakapansin sa kanya nang baklasin niya sa steel pole ang Stop sign. May nadinig siyang sirena ng police mobile patrol kaya mabilis siyang sumakay sa kanyang kotse bitbit ang ninakaw na Stop sign. Paharurot siyang tumawid sa intersection kaya’t hindi niya napansin ang paparating na trak ng bumbero na nagmamadali rin. Akala niya ay police car ang sumisirena, trak pala ng bumbero. SumalÂpok sa kanya ang malaking trak. Hindi ito huminto dahil tinanggal niya ang Stop sign. Dead on the spot ang magnanakaw dahil na rin sa kanyang kagagawan. (May susunod pa)
- Latest