EDITORYAL - Hanggang kailan irereporma ang Customs?
NANG italaga ni President Noynoy Aquino si Customs Commissioner John Philip Sevilla noong nakaraang taon, inakala nang marami na makapagsasagawa agad ng reporma sa maanomalyang Customs. Pero hindi pa pala at ngayon pa lamang mag-uumpisa. Ayon kay Sevilla, sa susunod na 12 buwan ay ipatutupad na ang aggressive reforms. Kabilang sa mga ipatutupad ay ang pag-i-improved sa revenue collections at ang pag-eliminate sa corruption.
Maraming nag-akala na nagkaroon na ng reporma mula nang mawala si dating Customs Commissioner Ruffy Biazon. Nag-resign si Biazon noong nakaraang taon. Bago ang pagbibitiw, maraming ulit na nagpasaring si P-Noy sa Customs. Hindi malilimutan ang sinabi ni P-Noy sa kanyang SONA noong Hulyo 2013: “Para namang nakikipagtagisan sa kapalpakan itong Bureau of Customs. Imbes na maningil ng tamang buwis at pigilan ang kontrabando, parang walang pakunÂdangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo. Tinataya nga po ng Department of Finance na mahigit 200 billion pesos ang kita na dumudulas lang at hindi napupunta sa kaban ng bayan. Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito? Marami pong gabi bago ako matulog, kulang na lang ay sabihin nilang, “Wala akong pakialam kung mapunta sa masasamang loob ang armas; wala akong pakialam kung ilang buhay ang masira ng droga; wala akong pakialam kung habambuhay na matigang ang mga sakahan. Ang mahalaga, yumaman ako; bahala ka sa buhay mo.†Hindi maaaring ganito ang kalakaran sa pamahalaan. Kung hindi mo nagagawa ang iyong trabaho, hindi ka karapat-dapat na manatili sa pwesto.â€
Pero sa nangyayari ngayon sa Customs na wala pa ring pagbabago – mahina ang revenue collection, patuloy ang rice smuggling at maraming “buwayang†nagpapakabusog, wala ring ipinagkaiba sa dati. Hindi kaya ulitin ni P-Noy ang pasaring sa SONA sa Hulyo?
Hanggang kailan ang reporma sa Customs?
- Latest