^

Punto Mo

Skydiver, nasira ang parachute habang nasa 12,000 feet, nakaligtas !

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

“OH, I’m dead. Bye.” – ito sana ang mga huling kataga ng skydiver na si Michael Holmes, 24, kung hindi siya milagrong nakaligtas mula sa pagkahulog sa taas na 12,000 feet nang hindi gumana ang kanyang mga parachute nang mag-skydiving sa New Zealand noong December 2006.

Si Michael ay eksperto sa skydiving at paggamit ng parachute kaya nang magloko ang kanyang parachute hindi kaagad siya nataranta. Lagi siyang may reserbang parachute kaya tiwala na hindi siya mapapahamak.

Ang hindi alam ni Michael, nakabuhol ang una niyang parachute sa reserbang parachute kaya hindi rin ito bumuka. Nalaman na lamang niya iyon nang subukan niyang putulin ang unang parachute upang mabuksan ang reserba.

Nakaramdam ng takot si Michael nang nalaman na hindi gumagana ang parehong parachute. Dahil bihasa sa skydiving, hindi pa rin siya nag-panic. Ngunit ayon sa kanya, nang mga sandaling bumubulusok na siya, alam niyang mamamatay na.

Naalala niyang may suot nga pala siyang video camera sa ulo. Idinodukumento kasi niya ang bawat skydive niya. Dahil wala nang maisip na gawin upang isalba ang buhay, tinanggap na lamang niya ang kapalaran. Nagpaalam na lang siya sa video sa pamamagitan ng pagsambit ng mga katagang “Oh, I’m dead. Bye.”

Nasa ibaba naman pala ang isa niyang kaibigan na kinukunan siya ng video. Kitang-kita nito ang pagbagsak ni Michael sa makapal na halamanan.

Hindi makapaniwala si Michael na nakaligtas siya. Ilang araw pa ang lumipas bago niya natanggap na buhay siya. Napinsala ang kanyang baga at nabalian sa paa. Sa kabila niyon, ipagpapatuloy pa rin ni Michael ang skydiving.

DAHIL

MICHAEL

MICHAEL HOLMES

NANG

NEW ZEALAND

PARACHUTE

SI MICHAEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with