100 Amazing Secrets (4)
31. Naubusan ng insect repellant? Pwedeng gamitin muna ang hairspray.
32. Paano tanggalin ang pen ink sa leather sofa? Ispreyan ang mantsa ng hair spray at kuskusin ng cotton cloth. Ulit-ulitin hanggang sa matanggal.
33. Para hindi kaagad malanta ang bulaklak sa flower vase: Ispreyan ng hair spray ang mga dahon.
34. Hindi mo maisuot ang sinulid sa butas ng karayom? Pahiran ng hair spray ang dulo ng sinulid. Patuyuin saka isuot sa butas ng karayom.
35. Ang taong regular na umiinom ng vitamin B-1(thiamine hydrochloride) ay hindi kagatin ng lamok. Naaamoy ng lamok sa singaw ng Vitamin B-1sa balat ng tao. Nilalayuan nila ang mga taong nangangamoy Vitamin B-1.
36. Magtanim ng lemon grass or marigold sa inyong bakuran upang walang lamok na mamahay sa inyong paligid.
37. Ang chalk board eraser ay mas mainam na pangpahid ng foggy windshield kaysa basahan.
38. Pantanggal ng amoy sa plasticwares: Paghaluin ang baking soda at tubig hanggang sa ito ay maging paste. Ikuskos ang baking paste sa plastic at hayaan itong nakababad sa buong magdamag. Banlawan.
39. Para matanggal ang amoy ng sigarilyo sa kuwarto: Maglagay sa glass bowl ng suka. Iwanan ito sa isang sulok. Ibabad sa tubig na may baking soda ang ash tray ng ilang oras. Hugasan ng sabon at tubig.
40. Paano tanggalin ang amoy ng sigarilyo sa kotse? MagÂlagay ng coffee beans sa loob ng kotse. Maglagay din ng mga lumang diyaryo sa ilalim ng upuan. Ito ang hihithit ng amoy. Palitan ang diyaryo every week. Iwasan nang manigarilyo sa loob ng kotse. Kadiri ang kotseng amoy sigarilyo. Kapag ako ay sumasakay sa FX na amoy sigarilyo, naiisip kong mabaho rin ang drayber.
(Itutuloy)
- Latest