^

Punto Mo

Solusyon sa road accidents

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ISANG malaking katanu­ngan ngayon ay kung papaano masosolusyonan ang paglobo ng mga aksidente sa kalsada sa iba’t ibang panig ng bansa. Batay sa talaan ng PNP Highway Patrol Group, 3,000 kaso ng mga aksidente ang nangyari simula Enero hanggang Pebrero 2014.

Ayon kay Supt. Elizabeth Velasquez ng PNP-HPG ang pangunahing dahilan daw ng road accidents ay human error at kawalan ng disiplina ng mga drayber.

Isa sa mga halimbawa ay ang over speeding, pagmamaneho na nakainom ng alak, paggamit ng cell phone at kahinaan ng pagmamantine sa mga sasakyan. Sa nasabing kaso, 217 accidents ang kinasasangkutan ng mga bus samantalang 530 ang kinasasangkutan ng trucks.

Kung ang mga ito ang dahilan, matagal na naman itong ipinagbabawal sa pagmamaneho at mayroon na ring mga sapat na batas ukol dito subalit hindi lang naipapatupad ng husto. Panahon na upang maghigpit ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas trapiko at tiyakin na mapaparusahan ang mga drayber.

Parang wala pa akong nababalitaang bus driver na nasangkot sa malagim na aksidente na nabulok sa bilangguan. Nakakapag­lagak kasi ng piyansa at hindi na naman umuusad ang kaso sa mga korte. Marahil ay ang kawalan na rin ng interes ng mga pamilya ng biktima at ang kabagalan sa pag-usad ng mga kaso sa korte.

Maituturing kasing maliit lang na kaso ito pero panahon na para tutukan at magbigay ng sampol ang mga hukuman. Kapag nalaman ng publiko na maraming nakukulong na driver na nasangkot sa malagim na aksidente, malamang na magsilbi itong babala sa mga drayber lalo na ang mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan.

Pero ang realidad, karamihan sa mga pamilya ng biktima ng aksidente ay pumapasok sa out of court settlement at hindi na naipupursige ang kaso.

Sana sa panig ng mga ahensiya ng gobyerno, mahigpit na ipatupad ang batas trapiko at tiyakin na sinusunod ito ng lahat ng pampublikong sasakyan maging ng mga pribado para mabawasan ang mga aksidente.

Likas naman sa mga Pilipino na masunurin kapag alam nila na sila ay tutuluyang hulihin at mapaparusahan.

AKSIDENTE

AYON

BATAY

ELIZABETH VELASQUEZ

ENERO

HIGHWAY PATROL GROUP

ISA

KAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with