Love, paki-explain nga… (2)
Tumataas ang level ng serotonin sa utak kapag in love ang isang tao. Ang serotonin ang hormone na umaayos ng ating mood, sleep at appetite. Kapag napasobra ang serotonin, ang pag-ibig na nadarama sa isang tao ay nagiging obsession. Therefore, totoong nakakabaliw ang pag-ibig.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng University of California, ang pakikipagkuwentuhan ng isang lalaki ng 5 minuto sa magandang babaeng crush niya ay nakakabuti sa kanyang mental health.
Mas binibigyang importansiya ng 40 percent ng mga kababaihan sa Amerika na may pinag-aralan ang lalaking kanilang makakarelasyon kaysa guwapo ito.
Sa mga naniniwala sa LOVE at FIRST SIGHT, mga 50 percent sa kanila ay aktuwal na naranasan ito.
Sa mga kababaihan, mga 5 hanggang 7 beses muna silang mai-in love bago dumating sa punto ng pagpapakasal.
Kahit karamihan sa mga lalaki ay hindi umaamin, mas mataas ang level ng kasiyahan na nadarama nila kapag nagyayakapan sila ng karelasyon kumpara sa kasiyahan na nadadama ng babae.
Mas dumodoble ang attractiveness ng isang lalaki sa mata ng isang babae kung malalaman niyang marami ang nagkaka-crush dito.
Kadalasang maganda ang kinahihinatnan ng career ng mga single women at mas malaki ang kinikita kumpara sa counterpart nilang may asawa.
Base sa survey on line, mga 60 percent ang umamin na ginagamit nila ang Facebook para mang-stalk ng kanilang “exâ€.
Kapag may gusto sa iyo ang isang tao, may tendency siyang humilig sa iyo kapag magkatabi kayo sa upuan. Kung walang gusto, ang galaw ng kanyang katawan ay palayo mula sa iyo.
Mas attractive sa mga lalaki ang babaing may malaking puwet dahil indikasyon ito ng fertility. (may kasunod)
- Latest