EDITORYAL - Hustisya sa itinumbang mamamahayag
KAHAPON, isang suspect sa pagpatay sa mamamahayag na si Rubylita Garcia ang dinampot ng mga pulis sa Bacoor, Cavite. Pero ayon sa report, hindi ito ang killer ng mamamahayag. Ayon sa anak ng mamamahayag na nakasaksi sa pagbaril, hindi ito ang pumatay sa kanyang ina. Binaril si Garcia noong Linggo, dakong 10:30 ng umaga sa harap ng kanyang bahay sa Bacoor City. Ayon sa report dalawang lalaki ang lumapit kay Garcia at pinagbabaril ito. Hindi pa raw nasiyahan ang killer, binalikan pa si Garcia at binaril muli para masigurong patay na.
Inalis naman sa puwesto ang police chief sa Tanza, Cavite na si Superintendent Conrado Villanueva. Ito ay para maisagawa nang patas ang pag-iimbestiga. Ayon sa report, nagkaroon ng pagtatalo sina Garcia at Villanueva, ilang araw bago ang pamamaslang. Ayon pa sa report, nang isugod si Garcia sa ospital, ibinulong umano nito sa anak na nakipagtalo siya kay Villanueva isang linggo na ang nakararaan. Inamin naman ng police chief na totoong nagtalo sila ni Garcia pero wala siyang alam sa pagkakapaslang dito.
Kung ang pagpatay kay Garcia ay may kinalaman sa kanyang trabaho bilang mamamahayag, siya ang ika-20 biktima sa ilalim ng administrasyong Aquino at ika-160 mula noong 1986, ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).
Pinaka-karumal-dumal naman ang pagpatay sa 30 mamamahayag noong Nob. 23, 2009 sa tinaguriang “Maguindanao massacreâ€. Kabilang sa convoy ang mga mamamahayag para ireport ang pag-file ng candidacy ng isang kandidato. Hanggang ngayon wala pang nakakamit na hustisya ang kaanak ng 30 biktima.
Maraming pagpatay sa mamamahayag ang hindi pa nalulutas at maaaring ganito rin ang kahanÂtungan ng kaso ni Garcia. Sana naman, magkaroon na ng hustisya ang ginawang pagpatay at matigil na ito. Protektahan ng pamahalaan ang kapakanan ng mamamahayag.
- Latest