‘Nabulok sa Tabuk-tabuk’
Tabuk o Tabouk: pook sa bansang ‘Saudi Arabia’ na matatagpuan sa kahabaan ng Hilaga-Kanlurang Baybayin ng bansa. Kaharap ang ‘Egipto’, katapat naman ng ‘Red Sea’.
Sa liblib na lugar na ito… sa ‘Tabuk-Tabuk’ dinala si RemanÂ, dating Pinoy Worker sa Riyadh, Saudi Arabia.
“Boundary na daw ng Saudi at Egypt ang pinagdalhan sa pamangkin ko. Nasa 30hours drive daw yun mula Riyadh… ganun kalayo,†ani ng tiyuhin. Nagsadya sa aming tanggapan si Natalio Loria o “Talioâ€, 58 anyos—tiyuhin ni Reman Lotino o Eman, 25 taong gulang.
Retired Military si Talio. Tubong Daraga, Albay ang kanilang pamilya. Mula ng madestino sa Camp Aguinaldo sa Binangonan, Rizal na siya nanirahan at nakabili ng bahay.
“Sa Bicol naiwan ang kapatid kong si Adelfa, ina ni Eman,†ani Talio. Biyuda na itong si Adelfa sa asawa na dating mananahi. Tatlo ang naging anak nila. Bunso si Eman, may asawa at may dalawang anak ---edad 3taon at isang taong gulang. Hayskul graduate. “Minsan lang naman ako kung umuwi ng Bicol kaya hindi ako masyadong nakakabalita tungkol sa mga pamangkin ko,†ani Talio.
Buwan ng Marso kasalukuyang taon, umuwi ng Daraga si Talio at bumisita sa kanyang pamilya. Dito niya nalamang nasa Riyadh na pala si Eman. Abril 2013 pa daw ng umalis sa bansa ang pamangkin. “Dun lang nakwento sakin na namomroblema na pala si Eman sa kanyang trabaho sa Riyadh…†sabi ni Talio.
Sa napag-alaman ng tiyuhing dalawang taon ang kontrata ni Eman sa Riyadh bilang ‘aircon technician’. Ang kanyang ahensya sa Pilipinas, AB International Placement Inc. sa Malate Manila. Kwento daw ni Adelfa kay Talio, Aluminum Glass Installer ang inaaplayang trabaho ng pamangkin subalit aircon technician ang trabahong binigay sa kanya ng ahensya.
“Sa pag-iinstall ng mga Aluminum talaga bihasa si Eman. ‘Di niya gamay ang pagiging technician pero tinuloy pa rin niya,†wika ni Talio.
Maayos nung una ang pagtatrabaho ni Eman sa Riyadh. Mabait daw ang kanyang employer--Manarat Al-Masharia Co Est. hanggang pumasok ang taong 2014, hindi na daw sila pinasahod.
Enero 2014, nagreklamo na si Eman at apat pang mga kasamahan ding Pinoy Overseas Filipino Workers (OFW). Nagalit daw ang kanilang amo at kinuha ang kanilang pasaporte, visa at wala na rin silang Iqama (working permit).
“Ang alam ko ‘di na nagpakita sa kanila ang kanilang employer,†pahayag ng tiyuhin. Hinati ang limang Pinoy sa dalawang grupo. Sina Walden Daquioag, Raymon Vergara at Ramil Gambao na natili sa Riyadh. Si Eman naman at kasamahang si Julio Balicao dinala sa probinsya ng Tabuk-Tabuk. Sa Ash Shamaliyah, Tabuk-Tabuk Province. Sa isang ‘barracks’ daw sila tumuloy. Dito binibigyan lang daw sila ng ekstrang trabaho.
“Naikwento rin ng kapatid kong nakulong si Eman dahil hinanapan siya ng Iqama at wala siyang mapakita…mabuti nakalabas siya,†ani Talio. Tanging ang ‘site engineer’ nilang ‘Indian National’ na lang ang tumutulong kay Eman at isa pang kasama. Hindi na malaman ng pamilya ni Eman ang gagawin kaya’t humingi na sila ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)—Bicol, Legazpi City nung ika-8 ng Enero 2014.
Base sa kopya ng ‘email’ na ibingay sa amin ni Talio, tumugon si Yolanda R. Salvador, General MaÂnager ng AB Int’l Placement Inc. sa pinadalang email ni Mayan P. Trilles ng OWWA-Bicol.
Ayon kay Yolanda, nasa Overseas Worker’s Affairs of the House of Representatives na ang kaso kay Hon. Walden F. Bello, committee ng OWWA House of Representatives, ambassador ng Royal Embassy ng Saudi Arabia at Philippine Ambasador ng nasabing bansa. Inimpormahan na rin daw ang ina nitong si Eman na nakontak na nila ang employer ng anak at tinutulungan na ating embahada ang Pinoy.
Ilang buwan ng nakakaraan wala pa rin umanong nangyayari sa kaso kaya’t naisipan ni Talio na tumawag sa aming programa sa radio (phoneÂpatched) nung ika-25 ng Marso 2014. Kinapayam namin sa radyo si Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs para matulungan itong si Eman.
Hiniling ni Usec. Seguis na i-‘email’ namin sa kanyang lahat ng mga detalye kaugnay ng problemang kinakaharap nitong si Pinoy Worker.
Ika-1 ng Abril 2014, personal ng nagpunta sa amin si Talio Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
Matapos naming mag-email kay Usec. Seguis nung una pang tumawag si Talio sa amin nakatanggap na kami ng report kinabukasan mula kay Consul Leo Tito L. Ausan Jr. Sabi sa email, galing sa consulate itong si Mr. Roger Mendoza (the Consulate’s area coordinator in Tabuk) at pinaraÂting na niya ang problema nitong si Eman. Hiniling niyang personal na tignan ang kaso ni Eman.
“Because he is returning to Tabuk by land (driving a company vehicle) he may yet report to me by Friday. I’ll keep tab of this closely and shall immediately report to you as soon as I have the latest info and action taken on this.â€â€”laman pa ng email.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, yung mapunta ka lang sa Gitnang Silangan ay ilang libong milya na ang layo nito sa Pilipinas. Maswerte itong ating mga OFW’s dahil kadalasan sa lungsod sila nailalagay. Itong si Eman ay napadpad sa Tabuk-Tabuk kung saan sumigaw ka man ng isang daang beses walang makakarinig sa’yo. Maliban sa lungkot dahil ikaw ay nasa liblib na lugar papasok na ang takot na baka ika’y kailanman ‘di na makakabalik na parang yung tauhan na nababasa sa libro at napapanood sa pelikula si Robinson Crusoe isang ‘Englishman’ na nung unang panahon ng masira ang kanyang barkong sinasakyan nabulok sa isang isla na tumagal ng mahabang panahon bago siya natagpuan at nasagip subalit hindi mangyayari ito kay Eman dahil kumikilos na ang ating mga opisyales ng DFA.
Sa huling ulat sa amin ni Talio, sinabi ng kanyang pamangkin na pinuntahan na siya ng isang taga embaha sa Tabuk-Tabuk. Ano mang bagong impormasyon ang aming malaman, agad naming ibabalita sa inyo. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre Bldg., Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. LandÂline 6387285 / 7104038.
- Latest